[Mahaba.Kailangan magtyagang basahin]
Source: Historical Narrative on the Palestine - Israel Conflict
Sa Eastern Europe nagsimula ang konsepto ng zionism. Niyakap ng mga malalaking burgesya doon at lumaganap sa buong Europa, partikular ng malalaking kolonyal na kapangyarihan.
Noong 1799 ay binalak ni Napoleon Bonaparte na agawin ang Palestine mula sa Ottoman Empire. Nagpakalat siya ng sulat sa mga Jews doon upang mag-alsa at maging kakampi. Nabigo si Bonaparte nguni't lumaganap ang kanyang ideyang agawin ng mga Hudyo ang Palestine. Makalipas ang 40 taon, 1839 ay ipinagpatuloy ng kolonyalistang Britanya ang pagnanais na makuha ang Palestine na pagtatayuan ng Jewish homeland sa hinaharap..
Si Baron Edmund de Rothschild, isang kapitalista burges mula sa France ang nagpondo noong 1880 ng 14 million francs upang itayo ng unang 30 Jewish settlements sa Palestine.
Taong 1885 simulang mabuo ang konsepto ng Zionism sa pamamagitan ng isang sulatin ng Austrian journalist na si Nathan Bhiba ( not sure sa correctness ng spelling ng name ). Pero noong 1886 ganap na nabuo ito sa libro na The Jewish State na sinulat ni Nathan at Hungarian Theodor Herzl, ang kinilalang Father of Zioinism. Ito ay itinuring na pinakamahalagang sulatin hinggil sa pagtatayo ng Jewish homeland sa hinaharap. 1887 ng pangunahan ni Herzl ang unang Zionist congress. Hiningi nila ang suporta ng European colonial powers para itaguyod at protektahan ang kanilang zionist project. Dito ay ganap na magsasanib ang kapitalistang buergesya ng Europa at zionists.
Ang mga burgesya sa noon ay pinakamalakas na kolonyalistang estado ng Britanya at ng kapwa kolonyalistang Pranses ay nagtulungan para sa pagtaguyod ng zionism at pagtatag ng Jewish homeland sa lupain ng Palestine.
Noong 1907, ang leading zionist ng Britanya na si Chaim Weisman na malaon ay naging pinuno ng World Zionist Organization ay nagpunta upang aralin ang "development" sa Palestine bilang practical way sa pagtatayo ng Jewish homeland. Pinondohan ni Rothschild ang "pagbili" ng lupain sa Palestine. Nagbuo ng National Jewish Fund na mabilis na nagpalawak sa inangkin na lupaing Palestine. Mahigit 60,000 magsasakang Palestino ( Muslim Arabs at Arab Christians ) pwersahang pinalayas sa 10,000 ektaryang lupain sa North Palestine region na Marj Bin Amer. Ito ang maituturing na unang Al Nakba.
Noong 1915 ipinanukala ni zionist politician Herbert Samuel sa British cabinet sa pamamagitan ng secret memo na The Future of Palestine kung saan ay ipinapanukala ang annexation ng Palestine, bilang mabilis na paraan ng pagtatag ng Jewish homeland. Ang Arab countries noon ay kolonya ng mga imperyalistang bansa mula sa Europa. Ang Egypt ay sakop ng Britanya kung saan katabi lamang ang Palestine.
Noong 1917 ni British PM David Lloyd George ay inutusan niya si Foreign Affairs Sec Alfred Balfour na sulatan sa ngalan ng gobyernong Britanya ang influential zionist burgesya at main lobbyist na si Lord Baron Walter Rothdchild upang ipangako ng gobyernong Britanya sa katuparan sa pagtatatag ng Jewish Homeland sa Palestine. Nasa likod ng lahat na ito ang Zionist leader na si Weisman.
December 1917 ng sakupin ng Britanya ang Palestine. Katuwang nila ang mga Jewish militias mula sa mga immigrants mula Europe na dinala sa Palestine. Isa sa leader nito ay si David Ben Gurion na naging unang Prime Minister ng itatag ang Israel, Najamia Rabin, ama ng naging PM na si Yizak Rabin at magiging leader zionist sa Israel na si Jabasenski ( not sure sa spelling)
Sa Peace Conference sa Paris noong 1919 bilang pagtatapos ng WW1 ay pinaghatian ng mga imperyalista sa Europa at US ang mga bansa sa Middle East na dating sakop ng natalong Ottoman Empire.
Sa Paris Conference ay ipinanukala ni Bristish Gen. Lloyd George at World Zionist Org leader Chaim Weisman ang mapa ng tatawaging Jewish homeland. Sinasaklaw nito ang buong Palestine, bahagi ng south Syria and Lebanon at western part ng Jordan lagpas sa Jordan river. Sa pamamagitan ni British Lt.Col. Edward Lawrence ( Lawrence of Arabia) ay pinirmahan ang Hussein - Weisman agreement para sa Jewish homeland. Si Hussein ang Arab delegation leader sa Paris Conference. Sa kanyang pagpirma ay isinulat niya sa kasunduan na ito ay dependent sa pagkakaroon ng kalayaan ng Arabs mula sa kolonyalismo.
Itinayo ng Britain ang High Commisioners Office for Palestine na pinamunuan ng zionist na si Herbert Samuel. Sa pamamagitan ni Samuel ay itinatag ang Jewish Army at pinatindi pa ang pagsakop sa mga mga lupaing Palestino.
Libo-libong immigrant Jews mula sa Europa at Yemen ang dinala sa Palestine. Sinupil ang mga protesta at pag-aalsa ng Palestino laban sa British colonial sponsored immigratiom ng mga Jews sa Palestine.
Ang British Mandate mula sa kabubuong League of Nations noong 1922 ay nagbibigay ng otoridad sa Britanya sa Palestine para likhain sa political, administrative and economic conditions para sa pagtatag ng Jewish Homeland sa Palestine. Mula dito lalo pang pinabilis ang pag- angkin ng mga lupang tiwangwang at sapilitang pinalayas ang mga magsasakang Palestino.
Sumiklab ang mga malalaking demonstrasyon at pag- aalsa. Mula sa pagtutol laban sa Jewish immigrants, pangangamkam ng lupain, panunupil at pamamaslang. Noong 1929 ay sumiklab Al Burqa revolt matapos magtipon ang Jews sa tinatawag na wailing wall sa mosque na sagrado sa mga Arabs. Mahigit 100 ang namatay na Jews at Arabs. Hinuli ang tatlong leader ng Al Burqa revolt at hinatulan ng kamatayan ng
British Army. Sila ang magiging inspirasyon ng mga susunod na paglaban ng Palestino.
Hanggang noong 1935 pinangunahan ni Sheik Izzidi Sadi Al Qasaam ang armed revolutionary group laban sa zionism at kolonyalistang Britanya. Sila ay nasukol ng pwersa ng Britanya hanggang mapatay sa kabundukan sa Jenin. Ito ay naging inspirasyon at nagtulak sa nasyunalismo ng Palestino at Arabs sa Gitnang Silangan laban sa kolonyalistang Britanya at imperyalismo. Sa malaon ay nabuo ang iba't - ibang armed resistance organizations ng mga Palestino at paglaganap ng paglaban para sa pambansang paglaya ng mga Arab countries laban sa kolonyalistang British, French at imperyalistang US.
Ang Gitnang Silangan ay sinakop ng kolonyalistang UK, France at iba pang kolonyal na kapangyarihan sa Europa at lumaon ng imperyalistang US upang kontrolin ang mina ng langis. Ang pagtatag ng malakas na Jewish state ng Israel ang kanilang panlaban at "di matitibag na base militar" laban sa mga bansang Arab sa Kanlurang Asya.
Ang US bilang dominanteng imperyalistang bansa pagpasok ng 20 siglo ay pinaghaharian ng mga malalaking burgesya kabilang ang burgesyang zionist na nasa tutok ng estado ng Estados Unidos. Itinaguyod nito ang zionistang patakaran katuwang ang mga kapwa zionistang burgesya sa imperyalistang bansa sa Europa. Ang American Jews Association na binubuo ng malalaking kapitalistang burges ang pinakamaimpluwensya at pinakamakapangyarihang lobby group sa US, at mundo. Malalim at malawak ang hangganan ng kanilang impluwensya.
Ang League of Nations na itinatag matapos ang World War 1 at ang UN matapos ang World War 2 ay binuo bilang pangunahin bilang daluyan ng pampulitikang kontrol sa kaayusan ng daigdig ayon sa imperyalistang interes. Malaon ng IMF at WB para kontrol sa pandaigdigang kalakalan at pinansya at NATO para sa agresyong militar
Sa ganitong konteksto makikita ang tinatawag British Mandate ng League of Nations para sa pagtatag ng Jewish Homeland sa Palestine. Sa esensya ay pagbabas ng pagsakop at pagwasak ng Palestine.
Sa ganitong konteksto din natin makikita ang istorikal na inhustisya sa mga Palestino. Ang zionism bilang isang sistematiko at marahas na proyekto ng malalaking burgesya sa panahon ng kolonyalismo ng Emperyong Britanya at imperyalismo.
Malalim ang ugat ng digmaan sa pagitan ng Palestine at Israel at mga bansang Arab laban sa Israel, at mga imperyalistang patron nito.
Hindi nagsimula ang labanan noong October 7. Siglo-siglo ang sistematikong pang-aapi, at mababangis na pandarahas ang dinaranas ng mamayang Palestino laban sa estadong Jewish ng Israel na itinaguyod, sinusuportahan ng mga patron mula sa malalaking kapitalistang burges at imperyalistang US, UK, France at mga kapitalistang bansa sa Europa, Canada at Australia.
Ang tinatawag na UN brokered Oslo Accord of two state solution ay bigo at sadyang mabibigo hanggat walang tunay na pambansang paglaya at karapatan sa sariling pagpapasya ang mamamayan ng Palestine. Ang Palestine Authority ay hindi gobyerno ng estadong Palestine. Walang itong authority kung walang authority mula sa estadong Jewish ng bansang Israel kahit sa pinarteng lupa ng mga Palestino sa West Bank.
Hindi lamang ito Hamas. Alyansa ing iba't -ibang grupo na lumalaban sa zionismo, henosidyo at apartheid ng Israel na naghahangad ng paglaya sa kabila ng kanilang pagkakaiba. Isa itong tuloy -tuloy na pag-aalsa at pakikibaka ng mga henerasyon ng Palestino na patuloy na lumalaban at nagmamartir. Isa ito pangmasang paglaban ng buong mamamayang Palestino sa loob at labas ng kanilang bansa para sa pambansang paglaya.
Ang lahat ay inaapi. Ang lahat ay inagawan ng lupa. Ang lahat ay pinalalayas. Ang lahat ay pinapatay. Ang lahat ay mauubos.
Bakit nga ba hindi ang lahat ay mag-aaklas at mag-aarmas. Lalaban at aatake kailanman may pagkakataon, buhay man ay ialay. Mula ilog ng Jordan hanggang karagatan ng Mediterenean. Hanggang sa tagumpay.
Comments
Post a Comment