Source:Kusina Bayanihan sa Tubod, LDN
Feb 1, 2023
Kasama sa Psychosocial First Aid (PFA) session sa mga apektado ng labis na ulan at pagbaha nitong Enero sa Lanao del Norte ay sumamang naghain ng mainit init na pagkain ang mga KB Volunteers sa di bababa sa 350 na indibidwal katuwang ang Multi-Stakeholders Initiatives for Humanitarian Action against Disasters -Northern Mindanao Region sa pangunguna ng RDRRAC.
Pinangunahan naman ng Ranao Women & Children Resource Center, Inc. - RWCRC ang PFA katuwang ang mga volunteers mula sa Mindanao Tri-people Women Resource Center, Inc. na katatapos lang magsanay ng PFA.
Karamihan naman sa volunteers ng KB ay mga nabaha din mula sa Lala, Lanao del Norte.
Partikular na tinungo ng misyon ay ang Brgy Malingao at Pigcarangan ng Tubod, Lanao del Norte.
Panawagan ng mga bata na apektado ay mga kagamitan sa pag-aaral, tsinelas at damit. Ganoon din iba pang apektado,.suporta sa kabuhayan, pagpapaunlad sa imprastralturang serbisyo lalo na sa daluyan at lagusan ng mga tubig-baha at suporta sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang mission naman po ay nilahukan ng AgroEco-Lanao, LAFCCOD, KILOS KA, DANGPANAN Wellness and Alternative Health Center, AKMK , LAHRA, NOMATUB and other partners.
MABUHAY!
Comments
Post a Comment