Source: OFW Help Desk MOA signed
Matapos ang ilang beses na meetings at mga learning sessions, pinirmahan na ng Kaagapay OFW at BLGU ng Ranao Pilayan sa Bayan ng Upi ang isang Memorandum of Agreement on the Establishment of OFW Help Desk noong September 29, 2022
Pinagtibay nito ang paniniwala ng dalawang partido na mahalaga ang mga OFW Help Desks sa mga kumunidad upang mas madaling ma-access ng mga OFWs at kanilang pamilya ang mga programa at serbisyo para sa kanila.
Ang Kaagapay OFW ay magbibigay ng gabay at technical assistance sa BLGU ng Ranao Pilayan hanggang maging operational ang OFW Help Desk. Kasama na din dito ay ang pagsiguro na may mabubuong organisasyon ng mga OFWs at pamilya nila upang makatulong din sa pagpapatibay ng nasabing Desk.
Maraming salamat sa BLGU ng Ranao Pilayan sa inyong tiwala!
Comments
Post a Comment