Source: Online Palestine Solidarity Friday
Mga Kasama sa pagsusulong ng Karapatang Pantao at Makatarungang Kapayapaan,Batid po nating lahat na marahas ang gyera. Mas kalunos-lunos ang dulot nito sa mga sibilyan, Kababaihan, mga bata, matatanda at propedad. Ito ang kalagayan sa Gaza at maging ng buong teritoryong Palestina dahil sa okupasyon sa kanilang soberenya bago pa man ang ikalawang digmaang pandaigdig. Muli itong sumiklab nitong Oktubre 7, 2023 sa atake ng Hamas at mas lumalala pa dahil sa desperadong malawakang paghihigante ng pamahalaang Israel.
Kasama tayo sa nagpahayag ng ating tindig na kailangang kilalanin ang Karapatan sa Sariling Pagpapasya ng Palestina at Karapatan sa Kapayapaan ng mga Mamamayang Israeli at Palestina.
Bawat Byernes sabay nating palitan sa buong araw ang ating mga profile pictures ng mga fb accounts natin ng ating kampanya. Maaari ding ibahagi sa ating mga walls, reels at personal story. I-post din sa mga X accounts at Instagram kung meron.
Kasangkapanin natin ang lahat ng porma at paraan sa paghahayag ng panawagang Ceasefire- upang tugunan ang emerhensyang kalagayan ng mga sibilyang apektado; Palayain ang Palestina; at wakasan ang pang-ookupa bansang Israel sa teritoryo ng Palestina.
Munti man ito ay mahalagang Ambag para sa Kapayapaan sa Mundo.
Higit dito ay ang patuloy na mga pagtalakay para sa iba pang kongkretong aksyong pisikal (indoor at outdoor) ng ating pakikiisa.
Bakit Friday?
Ang Araw na Biyernes ay parehong mahalaga sa mga mayoriyang paniniawala. Araw ng Pagsamba ng pananampalatayang Islam ang Biyernes habang sa Kristiyanismo naman ay Araw ng Biyernes ipinako si Hesus sa Krus at ang kasalanan ng sangkatauhan ay kanyang tinubos. Sa ilang paniniwalang Katutubo, sa Biyernes din ay lumalabaa ang mga ispiritu at mga nilalang na mahiwaga at lampas ipaliwanag sa kaisioan ng tao. Hindi ito upang isentro sa mga relihiyon kundi upang ipagsigawang ang mga nangyayari ay hindi sa pagitan ng mga relihiyon, sa halip ay dapat ang ating mga paniniwala ay gawing instrumento ng kapayapaan at katatungan.
Salamat,
ALTAHR
MindaNow
AKMP
LAHRA
LABAN K!
KILOS KA
AKMK
Ipasa sa mga kaibigan, Kasama sa organisasyon at kamag-anak saan man sa.mundo ang larawan at hikayatin silang makiisa.
Comments
Post a Comment