TASK FORCE BANTAY KALIKASAN AYAW SA MINERAL RESERVATION AT EXPLORATION SA LOOB NG ANCESTRAL DOMAIN CLAIM
BUKAS NA PAHAYAG NG TASK FORCE BANTAY KALIKASAN (TFBK) SA PROPOSED PROCLAIMATION BILANG MINERAL RESERVATION AREA SA NASASAKUPAN NG MGA BARANGAY KUYA AT ROMONGAOB, PAWANG NASA SOUTH UPI, MAGUINDANAO DEL SUR AT MGA GINAGAWANG EXPLORATION AT MINING OPERATION SA IBA"T IBANG BARANGAY NG SOUTH UPI NG MAGUINDANAO DEL
SUR, UPI AT DATU BLAH SINSUAT, PAWANG NASA MAGUINDANAO DEL NORTE
Ang task Force Bantay Kalikasan (TFBK) ay binuo ng mga ordinaryong lider ng Tëduray at Lambangian noong 2013 dahil sa mga puwersahang illegal mining exploration sa mga Sitio na nasasakupan ng mga Barangay Rempes, Bantek, Renti, Ranao at Rifao na walang sapat na pagpapaalam sa tribu sa pamamagitan ng tinatawag na Fee and Prior Informed Consent (FPIC] na pinag-utos ng IPRA. Ito ay binuo hindi upang hadlangan ang angkop na sustenableng kaunlaran para sa mga nakararaming tao. Sa kasalukuyan, ang mga namumuno nito ay nagmula sa mga Bayan ng South Upi, Upi at illang kinatawan mula sa Datu Blah Sinsuat.
Binuo ito upang manindigan at ipaglaban na maprotektahan ang kolektibong karapatan namin sa Lupaing Ninuno na kinilala ng 1987 Philippine Constitution at isinulong ng Kongreso sa pamamagitan ng Repubic Act No. 8371, kilala bilang Indigenous Peoples Rights Act of 1997 (IPRA). Kinilala rin ang Katutubong karapatan na ito ng United Nations sa pamamagitan ng United Nations Declaration on the Rights of the Indigenous Peoples (UNDRIP):at International Labor Organization Convention 169 (ILO Convention 169) kinilala rin ito sa Republic Act 11054, kilala bilang Bangsamoro Organic Law (BOL) bilang Fusaka Ingëd.
Ang konsepto ng Fusaka Ingëd (Ancestral Domain) ay pribado ngunit komunal na pag-aari ng buong tribu batay sa tinatawag na Native Title, may papel man ito o wala. Ngayon, ang mga tribung Tëduray at Lambamgian ay may pinag-isang Lupaing Ninuno .na hinihiling ang pomal na pagkilala ng pamahalaan sa pamamagitan ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) batay sa pambansang batas na IPRA. Ang Lupaong Nonuno para sa mga Katitunong Tëduray at Lambangian ay karugtong ng kanilang buhay. Alisin mo sila sa kanilang Lupain Ninuno ay ikamamatay nila ito. Ang Lupaing Ninuno ay hindi lamang tungkol sa lupa, ito ay material culture ng mga Katutubong Tëduray at Lambangian sapagkat dito nakaugat ang kanilang Indigeous Knowledge Systems and Practices (IKSPs)
Kaugnay sa mga proyekto at polisiya, ayon sa Section 59 ng IPRA, ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ay magbigay ng CERTIFICATION PRECONDITION sa mga proyekto at polisiya kung makapagbigay ng pahintulot ang mga maapektohang komunidaf ng mga Katutubo pagkatapos ng tamang proseso ng FPIC na naayon sa guidelines na ginawa batay sa IPRA. Ang IPRA ay kinilala sa BOL at ito pa lamang ang detalyadong batas na mayroon tayo ngayon na kumilala, nagsusulong at nangangalaga sa ating mga karapatan bilang mga Katutubo.
Ang FPIC ay sinasagawa sa lahat ng antas ng proyekto, lalo na ang mining, simula exploration (pag-amoy ng mga bato, pagkuha ng sample ng buhangin at lupa) at operation kung nakita na positive ang minerals at hiwalay ang FPIC. Ang FPIC ay sinasagawa din sa paggawa ng mga polisiya na makakapekto sa buhay ng mga Katutubo.
Kaugnay sa proposed proclaimation ng BARMM government na ideklara bilang Mineral Reservation Area ang 3,566 ektarta ng Fusaka Ingëd (Ancestral Domain) sa bahagi ng mga Barangay Romongaob at Kuya pawang nasa Bayan ng South Upi, Maguindanao del Sur mahigpit na tinututulan ng TFBK ang proposed Proclaimation sapagkat ito ay technical na pagdispossess ng pamahalaan sa aming pribado ngunit komunal na pag-aari namin na Fusaka Ingëd. Ito ay pagpapatuloy ng historical injustices na natamo namin on land disposession na naituwid na sana ng IPRA.
Sa usapin ng mining explorion at operation, ang TFBK ay manindigan batay sa mga umiiral na batas at proseso. Kung may matinding paglabag sa mga batas at pagyurak sa karapatan ng mga tao sa maapektohang komunidad ng mining dahIl walang sapat na proseso ng FPIC, pinilit ang mga tao na pumayag sa exploration at operasyon, tinatakot, pinapagalitan at binabayaran ng konting halaga ang mga tao upang payagang ipamina ang komunal na lupaing pag-aari ng tribu.
Naninindigan ang TFBK na iligal ang ginawa ng GEOSPATIAL ENVIRONMENTAL CONSULTANCY SERVICES na nakabase sa Davao City na nagsagawa ng mineral study sa mga barangay ng South Upi. Ang ginawa nilang iyon ay exploratipn na at walang maayos na pagpapaalam. Hindi sila kumatok sa mga Katutubong may-ari ng tahanan, pumasok na lang bigla sa prente na subukan daw ang tubig kung maganda gawing inumin at dinala pa ang may-ari ng tahanan upang ipaturo kung saan posibleng nakatago ang mgavkayamanan sa loob ng tahanan. Dapat may FPIC na yong ginawa nila.
Ang ginagawa nilang ito ay tahasang pag'yurak sa aming mga karapatan at pagkatao. Ito ay panlilinlang at panloloko, pananamanata ng kahinaan kagandahang kalooban at kamangmangan ng mga Tëduray at Lambangian sa mga batas at karapatan.
"ANG KATUTUBONG KARAPATAN AY KARAPATANG PANTAO"
SANTOS M. UNSAD
Chairperson
Task Force Bantay Kalikasan
December 3, 2023
Comments
Post a Comment