TRYChange: Mula sa Isla ng Mindanao, mula sa Ilog at Dagat ng Pilipinas, KALAYAAN para sa Palestina

Noong ika-7 ng Oktubre ng taong ito (2023), naging mas matingkad at sumikat sa iilan ang kaganapan at layunin ng gobyerno ng Israel sa Gaza, Palestine.

Noon pa man ay nagaganap na ang karahasan at patayan sa bansang Palestina na dulot ng tinatawag na okupasyon at pinipilit ang mga netibong Palestinian na umalis sa kanilang lupang sinilangan.

Kaming mga kabataan ay hindi bulag upang hindi makita ang mga pangyayaring ito. Lubos kaming nasasaktan para sa mga apektadong sibilyan.

Sa mga palestinang INA at Kababaihan, Ama at Kalalakihan, at lahat ng kasarian - na nagdadalamhati sa lahat ng oras bunsod ng sunud-sunod na patayan, at sa mga BATA na sa murang edad ay hinaharap ang karahasang dulot ng matinding pambobomba. At marami pang mga istorya na nakakakilabot at nakakalungkot, at ito patuloy na sinasapit ng ating mga kapatid sa Palestina.

Kami, mula sa Try-Change ay naniniwala na maiiwasan ang karahasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng PERMANENTENG CEASEFIRE, pagsasabuhay ng mga batas ng karapatang pantao, at muling buksan ang pakikipag-uusap ukol sa okupasyon ng Israel sa mga bayan ng Palestina.

Marahil sa ngayon ay hindi pa namin lubos na naiintindihan at nalalaman ang mga pinag-ugatan at daynamiko ng sigalot na ito, ngunit isa lamang ang aming nasisiguro - MALI ANG DISKRIMINASYON SA LAHAT NG ASPETO NG BUHAY at LALONG MALI ANG PAGGAWA NG KARAHASAN.

Sa mga kabataan, kami ay nananawagan na tumulong tayo sa kampanyang "Peace not War" at pagpapalaya sa #Palestina, at tutulan ang pamamaraan ng Israel na genocide at ethnic cleansing.

Mula sa Isla ng Mindanao, mula sa Ilog at Dagat ng Pilipinas, KALAYAAN para sa Palestina. 🇵🇸🇵🇸🇵🇸

#FreePalestine #EndGenocide #EndTheOccupation #PermanentCeasefireNow #NoToWarPh #PalestineSolidarityPilipinas

#TrychangeStandsOnPeace
#TriPeopleYouthforChange

Sundan ang TRYChange sa kanilang FB Account.

Comments