Bakit concern ng mga taga-Cotabato City at coastal Municipalities ang banta ng Mining sa Upi at South Upi?
Source ng malinis na tubig ng DOS at Cotabato City ang Dimapatoy at mismong freshwater resort sa Dimapatoy, Awang, DOS. Ang dumadaloy na tubig na ito ay mula sa Kibucay at upstream areas pa ng DOS at Upi.
Ang Tubuan river ay lalasonin at dadaloy mula Upi papuntang coastal areas ng Datu Blah Sinsuat. At ang Tran river naman ay tatagos sa South Upi hanggang sa open sea at mga baybayin ng Sultan Kudarat Province. Maging hanggang sa Illana Bay ng Lanao del sur at Lanao del Norte ay makakapaekto ang kasiraan at polusyong ito.
Lalasonin at sisirain ng mina ang tubig inumin at Karagatan. Ito ay di pa kasali ang kawasakan sa kabundukan.
Ang isda, gulay, rootcrops at iba pang yamang agrikultural, dagat at gubat na bumubuhay sa Mamamayan Cotabato at karatig bayan ay mula sa masiglang Kalikasan. Kung malalason at mawawasak, tiyak may gutom, kriminalidad at sakit.
Gaya ng nangyari sa panahon ng bagyong Paeng, maraming aanurin at tatabunan.
May mga kapatid na Teduray, Lambangian, Bisaya, ilonggo at Maguindanao sa South Upi, Upi, DBS, DOS at Cotabato City hanggang sa Iranun Bay ay nagsusulong na pangalagaan ang Kalikasan (tubig, lupa, dagat, gubat, etc). Kaunlaran na Hindi sumisira sa Kalikasan. Dahil ito ay buhay higit pa sa sangkatauhan.
Comments
Post a Comment