TODAY IN PHILIPPINE HISTORY
FEBRUARY 17
Ang salitang Gomburza ay nabuo mula sa pangalan ng tatlong pari, na sina Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre Mariano Gomez, na binitay noong 17 Pebrero 1872 ng mga Espanyol, Dahil sa pagbibintang sa kanila sa kaso ng subersyon at pag-uugnay sa kanila sa nangyaring rebelyon sa Cavite noon.
Si Padre Mariano Gomez ay Ipinanganak noong 2 Agosto 1799 sa Santa Cruz, Maynila, si Mariano Gomez ang nauna na binitay sa Bagumbayan at ang pinakamatanda sa tatlong martir. Siya ay nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa Bacoor, Cavite. Itinatag rin n'ya ang pahayagan na La Verdad (The Truth) kung saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansa. Inilimbag din sa pahayagang ito ang mga liberal na artikulo ni Burgos. Ang kanyang pamosong huling mga salita ay, “Let us go where the leaves never move without the will of God.”
Si Jose Burgos naman ay ipinanganak noong 9 Pebrero sa Vigan, Ilocos Sur, ang huling binitay sa tatlong paring martir. Siya ang pinaka natatangi sa tatllong pari dahil sa siya ay nagtamo ng dalawang titulo sa pagka-Doktor, isa sa teolohiya at isa pa sa canon law. Isa rin siyang prolipikong manunulat at konektado sa Manila Cathedral. Ang kanyang kamatayan ang pinakamadula sa lahat. Isa sa mga detalye ng kanyang kamatayan ay nang siya ay tumayo at sumigaw na, “Wala akong ginawang anumang kasalanan!” (“But I haven't committed any crime!)
At si Padre Jacinto Zamora na Ipinanganak noong 14 Agosto 1835 sa Pandacan. Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa kanyang imbitasyon na may nakasaad na, "Grand Reunion... our friends are well provided with powder and ammunition.” Ang mga pahayag na ito ay maaaring mangahulugan ng pagrerebelde, ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay may sapat na salapi upang maglaro buong magdamag.
Dahil sa kanilang hindi makatarungang kamatayan, sumiklab ang damdamin ng mga Pilipino at nag-iwan ito ng matinding epekto lalong-lalo na kay Jose Rizal. At dahil dito, inialay ni Rizal ang El Filibusterismo sa para kanila. Ang Nobelang iyon ni Rizal ang nagmulat na tayo'y kailangang hindi preso sa sarili nating bayan at ang katarungan ang dapat maghari.
Source: Pinoy History FB https://www.facebook.com/photo/?fbid=924844449011626&set=a.649024019927005
Comments
Post a Comment