Libreng
dialysis treatment para sa mga mahihirap na pasyente sa lahat ng
provincial government tertiary hospitals sa BARMM, isinusulong ng ilang
mambabatas
IPINANUKALA ng mga mambabatas ng BARMM and libreng dialysis treatment para sa mga indigent patients sa lahat ng BARMM provincial government tertiary hospitals.
Ang Parliament Bill No. 279, na ipinanukala ni Member of Parliament Dr. Hashemi Dilangalen, ay naglalayong magkaroon ng dialysis units sa lahat ng BARMM provincial government tertiary hospitals.
Ayon kay Dr. Dilangalen,ang panukala ay tugon sa mga hamon na kinakaharap ng maraming Bangsamoro sa usaping pangkalusugan at problemang pinansyal pagdatingf sa dialysis services.
Malaki rin aniya ang nagagastos ng mga ito pagdating sa transportation costs,lalo na sa mga pasyenteng nagmula pa sa malalayong barangay.
Sa ilalim ng panukala, ang mga kwalipikadong mga pasyente ay kinakailangang pasok ay kailangang magsumite ng affidavit of indigency at Certificate of Indigency mula sa Department of Social Welfare and Development.
Dagdag pa ni Dr. Dilangalen, ang single dialysis session ay nagkakahalaga ng abot sa P2,000.00 hanggang P5,000.00, o abot sa P24,000.00 hanggang P60,000.00 kada buwan.
Sakaling maging batas, ang kinakailangang pondo ay kukunin sa General Appropriation Act of the Bangsamoro.
Co-authors ng naturang panukala sina Members of Parliament Ali Montaha Babao, Rasul Ismael, Tarhata Maglangit, at Abdulwahab Pak.

Source: https://www.facebook.com/photo/?fbid=844160467725203&set=a.635208428620409
Comments
Post a Comment