Source: https://www.google.com/search?client=firefox-b-d&sca_esv=23c07de5ac49e31f&sca_upv=1&q=umbilical+cord&tbm=isch&source=lnms&prmd=ivsnmbtz&sa=X&ved=2ahUKEwjZwP6-zp6FAxUu6jgGHYZeC3EQ0pQJegQIERAB&biw=1366&bih=635&dpr=1#imgrc=lIZi9KTHPy1smM
Naniniwala ba kayo na "Liyën" o tabo ang paglilibing ng umbilical cord "FUSËD" at placenta ng isang bagong panganak na sanggol?
Isa sa mga traditional na kaugalian ng Tribung Tëduray at Lambangian ay isasabit sa puno ng kahoy na nakabalut sa Isang maliit na Sënafëng o basket ang Fusëd ng bagung inuluwal na sanggul mula sa sinapupunan ng kanyang ina, sapagkat ang puno ay nagsisimbolo na karugtung ng buhay "rëbë lowoh" ng mga katutubo ang kalikasan dahil dito nagmula ang lahat ng kanilang mga pangunahing pangangailangan Gaya ng gamut, pagkain mula sa mga ilog at wild animals kung kayat ito ay kanilang maututuring na hospital, market at kung anu-ano pa.
Subalit sa paglipas ng panahon ay Tila nagbago na din ang mga tao, ang kanilang pampulitikal, ekonomiya at cultural na aspeto. Ang mga bundok na dati ay kagubatan ngayon ay nakakalbo na. Nagbago na din ang takbo ng panahon dahil wala na ito sa wastong balansi at sanhi nito ang tinatawag na "climate change" sa kunting pag ulan lamang ay halos nagkaroon na ng pagbaha o matinding disasters o Kayay matinding tag init at tag tuyot.
Dahil dito ang tradisyunal na kaugalian ng pagsasabit ng umbilical cord ay iilan na lamang sa mga katutubong Tëduray at Lambangian ang siyang nagpa practice Lalo na sa mga intact IP community dahil sa halos buong Fusaka Inged ay wala ng puno sa paligid at siguro karamihan sa mga IP ay nag adopt na ng mga makabagong sistema at na-iimpluwensahan na din ng mga bagong paniniwala Gaya ng mga relihiyon. Kaya hindi na namamalayan ng karamihan sa mga IP na naging Liyën o tabo at taliwas na ito sa Kulturang kinagisnan mula pa sa mga ninuno.
Sa pagkakataong ito, kung nanaisin natin na maisabuhay ang mga nawawalang Kultura dapat mayroon tayong malaking obligasyon bilang mga IP. Una ay dapat natin pangalagaan ang ating kultura at pangalawa responsibilidad nating alagaan ang kalikasan at magtanim ng maraming Puno upang mayroon tayong pagsabitan ng Fusëd upang sa gayon ay hindi ito magiging Liyën at maging biktima ng disaters!
Fiyo bagi....
Adih Vliadimir
31 March 2024
Comments
Post a Comment