OPISYAL NA PAHAYAG NG SNPP UKOL SA 13 BILYONG TAPYAS SA PONDO NG Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) - SNPP

OPISYAL NA PAHAYAG NG SNPP UKOL SA 13 BILYONG TAPYAS SA PONDO NG Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)

Ang Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid sa pangunguna ni Angela Tubello bilang presidente ay mariing tinututulan ang inihaing panukalang 13 bilyong tapyas sa pondo ng pantawid program.
 
Hindi kaila sa pambansang sitwasyon ang patuloy na paghina ng piso laban sa dolyar bunsod nito ang pag taas ng presyo ng mga pangunahing produktong may direktang epekto sa sektor na pantawid gayon na din sa mga pamilyang pilipinong nasa laylayan.
 
Matatandaang ang 4Ps Program ay may kaakibat na kondisyon para mapabuti ang katayuang panlipunan.
Bunsod ng pag baklas ng pondo ng Pantawid ito mga mga naging epekto nito:
 
1. Epekto sa akses sa Edukasyon
- Pagka-antala ng pagbibigay ng Educational grants
- Mula 2022 may apat na buwan 2023 may 10 buwan, at 2024 may 3 buwan.
 
2. Kakulangan ng sapat na pondo para mabayaran ang mga bagong miyembro Mula sa set 11 at set 12
 
3. Mga nanatiling aktibong miyembro subalit walang nakuhang grant
 
4. Epekto sa Case Load Management dahil hindi na maaring ma renew ang mga bagong pasok noong 2023 na naka MOA o Contract of Service Workers lamang
 
5. Mga kulang kulang na pag bibigay ng grants ng mga miyembro .
 
Ang Deficit ng pondo ng Pantawid ay Hindi na magtutugma sa numero ng mga aktibong miyembro sapagkat Ang alokasyon ng pondo ay para lamang sa 4.1 Million habang sa may mga nadagdag na mg bilang ng mga bagong Pantawid member.
 
Kagyat nito ang mga sumusunod:
 
1.) Ayon sa istatistika may 95 na bata sa Pilipinas ang namamatay araw-araw sa malnutrisyon at tatlo sa bawat isang libong batang pilipino ay nauuwi sa pagka bansot at kakulangan sa timbang.
 
2.) 7.0 porsyento na gastusin para sa gobyerno ang mga programang medikal, panggagamot, pagpapa-ospital mula sa guarantee letter ay madaragdagan.
 
3.) 9 milyong bata na kasalukuyang benepisyaryo ng programa ang maaaring magdagdag sa 18.6 porsyento ng out-of-school youth.
 
4.) 47.1% ng populasyon na nanghihiram ng pang-kapital ay maaaring mapailalim sa mga loan shark at lalong magipit sa pinansyal.
 
5.) Kabawasan sa kita ng gobyerno mula sa commodity tax.
 
Mariing kinokondena ng SNPP ang inihaing panukala ni Sen. Imee Marcos na P13B tapyas sa pondo. 
Hindi ito makakatugon sa lumalalang kahirapang nararanasan ng sektor ng pantawid.
 
Bagkus ang SNPP ay naghahain ng dagdag benepisyo at pondo para mas mapalakas at matulungang maiangat ang pamumuhay ng bawat pamilyang nabibilang sa pantawid program.
 
For Contact:
Angela Tubello, Pangulo, SNPP
09682967525
Jeana Catacio, Tagapagsalita, SNPP
09677899034
 

Comments