GROUPS: Ipasa batas na kumikilala sa Pagkakakilanlan, Lupaing Ninuno at Kolektibong Karapatan ng mga Non-Moro Indigenous Peoples (NMIPs) sa BARMM


Kolektibong Pahayag pagsuporta sa Non-Moro Indigenous People’s Rights Act (Bill 166) sa BARMM

 

Demokratiko at Moral na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa lahat!

Pagwawasto at pabibigay katarungan sa mga inhustisya sa kasaysayan para sa lahat!

Ipasa batas na kumikilala sa Pagkakakilanlan, Lupaing Ninuno at Kolektibong Karapatan ng mga Non-Moro Indigenous Peoples (NMIPs) sa BARMM.

 

Kami na mga organisasyon ng mga mamamayan, institusyon at mga network na mga tagasulong ng Karapatang Pantao, Kalikasan at Makatarungang Kapayapaan ay naghahayag ng buong suporta sa mga Non-Moro Indigenous Peoples sa kanilang pagsusulong para sa isang batas sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na sumasaklaw at nagbibigay buhay sa kabuuhang aspeto ng kanilang mga karapatan sa pagkakakilanlan, kultura, tradisyon, pamumuno at hustisya at lupaing ninuno.

 

Naniniwala kami na ang makatarungang kapayapaan ay iiral sa BARMM kung ang mga karapatan ng lahat na mga mamamayan at pamayanan ay maisakatuparan at mapapangalagaan.

 

Aming paniniwala na ang nakaraang ARMM at kasalukuyang BARMM ay mahalagang tagumpay sa pagsusulong ng  Karapatan sa Sariling Pagpapasya ng Bangsamoro at ang Bangsamoro Organic Law at ang buong prosesong Kapayapaan ay bahagi ng pagwawasto at pagbibigay katarungan sa mga inhustisya sa kasaysayan at marapat lamang na ito’y maisakatuparan.

 

Ngunit mahalagang maunawaan at tanggapin na ang mga Katutubo o NMIPs ay kasama rin sa naratibo ng mga inhustisyang ito at marapat lang na kasabay ang kanilang naratibo sa pagwawasto at pagbibigay katarungan sa buong prosesong ito at hindi gawing hiwalay.

 

Ang pagpasa ng Non-Moro Indigenous Peoples Rights Act (Bill 166) sa BARMM ay mahalagang hakbang sa pagtutuwid o pagbibigay katarungan sa mga inhustisya sa kasaysayan na nababanggit na dahilan ng pakikibaka sa Karapatan sa Sariling Pagpapasya.

 

Nakasaad sa Bangsamoro Organic Law (BOL o RA 11054) na kikilalanin at isusulong ng BARMM ang mga karapatan ng mga non-Moro Indigenous Peoples sa loob ng balangkas ng Saligang Batas ng Pilipinas at iba pang mga pambansang batas. Maging sa BOL ay naisaad din ang pagkilala sa native titles, mga kultura at tradisyon, sistema ng pamamahala at hustisya, partisipasyong politikal sa BARMM at karapatan sa Free Prior and Informed Consent (BOL Article IX, Section 3). Dagdag pa, isinasaad din na kung anumang batas ang ipasa ng Bangsamoro Parliament ay dapat di magpapalabnaw sa mga karapatan at prebilihiyo na ibinigay sa mga katutubo ayon sa United Nations Declaration on Human Rights (UDHR) at United Nations Declaration of the Rights of Indigenous Peoples (UNDRIP) at ganoon din para sa mga NMIPs sa BARMM na naaayon sa Saligang Batas ng Pilipinas at pambansang mga batas gaya ng Indigenous Peoples Rights Act (RA 8371). Ang mga probisyong ito ay mga tagumpay na para sa mga NMIPs ngunit marami pa ring hamon na dinaranas ang mga NMIPs sa komunidad at ito nga ay dahil sa kawalan pa ng batas na magseseguro sa mga karapatang ito.

 

Naniniwala kami na ang batas na dapat ipasa ay kikilala sa pagkakakilanlan o identity ng Non-Moro Indigenous Peoples o NMIP kung kaya kahit sa titulo pa lang ng panukala ay dapat binabanggit na ang Non-Moro Indigenous Peoples at nakabase sa Karapatan ng NMIPs na pangkalahatan (NMIP Rights sa BARMM).

 

Pangalawa, dapat ang batas na ipapasa ay kumikilala sa karapatan ng mga Non-Moro IP sa kanilang Lupaing Ninuno at marapat na magseseguro sa pagpapatuloy sa pag-proseso ng Ancestral Domain Claim ng mga Teduray at Lambangian na nasimulan na at inaplyan noong taong 2005 sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). Habang nakabinbin ang pagproseso nito dahil sa Resolution Number 38 ng Bangsamoro Transition Authority na nag-utos na itigil ang pagproseso ng Delineation sa Ancestral Domain, ang mga Lupaing Ninuno ng mga NMIPs ay apektado din ng Normalization track ng GRP-MILF Peace Process sa pamamagitan ng prosesong Camp Transformation. Ang  Camp Badr at Camp Omar ay matatagpuan sa loob ng Ancestral Domain Claim ng mga Teduray at Lambangian. Kung kaya dapat maging maliwanag din sa ipapasang batas ang maging proseso kung paano makakabalik ang mga katutubong sapiliting napalikas dahil sa kaguluhan. 

 

Kinikilala ng batas sa Pilipinas ang pagkakaroon ng Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan (ADSDPP) bilang bahagi ng Ancestral Domain Claim. Kaya kung mayroon mang pangkaunlarang paghuhubog o pangkaunlarang balangkas na susundan sa loob ng mga Ancestral Domains ay alinsunod ito sa balangkas na mayroon na ang mga NMIPs base sa kanilang naisagawang ADSDPP. Ang mga mekanismong itatatag ay marapat na sasailalim at kikilala sa mga umiiral na Indigenous Political Structures (IPS) ng mga NMIPs at mahigpit na susunod sa FPIC na proseso sa anumang mga proyekto, programa o serbisyong ipapatupad sa loob ng mga Lupaing Ninuno ng mga NMIPs.

 

Ang pagpapalakas para sa isang tunay na demokratikong BARMM na bunga ng pakikibaka para sa pagsakatuparan sa Karapatan sa Sariling Pagpapasya ng Bangsamoro ay inaasahang magbubunga din ng hustisya at pagseguro sa mga Karapatan ng mga NMIPs sa Sariling Pagpapasya at iba pang minoriyang mamamayan at pagkakakilanlan sa loob ng rehiyon o kahit saan man at hindi pagsantabi sa mga ito.

Panghuli, sana ang mga serbisyo at programa ng BARMM at ng Pamahalaang Pilipinas ay maging makatotohanan sa buhay ng karaniwang Bangsamoro at buong Tri-People na mga pamayanan sa buong rehiyon at buong kapuluan.

 

Mayo 24, 2024

Cotabato City

amkpsecretariat@gmail.com

 

Reference Persons:

 

Rady Boy Pobre

Alliance of Tri-People for the Advancement of Human Rights

09971778144

 

Fatima Lintang-Ali

Mindanao Peoples Peace Movement - Maguindanao & Cotabato Cluster

09177201486

 

Bong Fenis

Alyansa ng mga Mamamayan para sa Karapatang Pantao

09556424756

Kaisa,

 

Alliance of Tri-Peoples for the Advancement of Human Rights - Mindanaowide

Alyansa ng mga Mamamayan para sa Karapatang Pantano - Maguindanao & Cotabato

Mindanao Tri-People Women Resource Center - Mindanaowide

Umpungan Nu mga Babai sa Bagua 2 - Cotabato City

Kaagapay OFW Resource and Service Center - Cotabato City & BARMM

Task Force Bantay Kalikasan - Maguindanao Provinces

Tri-Peoples Organization Against Disasters - Cotabato City, Lanao del Norte, BARMM & Sultan Kudarat

Mindanao Peoples Peace Movement - Maguindanao and Cotabato Cluster

Kilusang Maralita sa Kanayunan - Mindanaowide

Association of OFW Children - Cotabato City and Maguindanao del Norte

Dayangba Women Organization - Carmen, North Cotabato

LABAN Kababaihan - Mindanaowide

Erumanen Ne Menuvu Farmers Association - North Cotabato

Multi-Stakeholders Initiative for Humanitarian actions against Disasters - Mindanao and Visayas

Kagkalimwa OFW Federation - Maguindanao and Cotabato City

Kusina Bayanihan - Cotabato City and Maguindanao

Interfaith Movement for Peace - Bukidnon, Caraga and Davao Regions

Inged Fintailan - Maguindano provinces

Mindanao Peoples’ Peace Movement - Lanao-Iligan and Misasmis Cluster

Sumpay Mindanao - Mindanao-wide

Teduray, Lambangian Youth and Student Association - Maguindanao provinces

Lanao Alliance of Human Rights Advocates - Iligan and Lano provinces

IDEFEND - Iligan and Lanao del Norte

MPPM - Caraga Cluster

Iligan Youth Advocates for Development - Iligan City

Grupong Kababainhan sa Dakbayan sa Iligan - Iligan City

Alyansa sa mga Kabus sa Lungsod ug Syudad - Iligan City/Lanao del Norte

Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan - Mindanaowide

Iligan Survivors Movement - Iligan City

Ranao Disaster Response and Rehabilitation Assistance Center - Lanao provinces

Liga ng Makabagong Kabataan - Mindanaowide
United Society of Bold and Wise (USBAW) LGBT - Zamboanga del Sur
Nagkahiusang mga Anak sa mga Mag-uuma alang sa Kalambuan - Lanao del Norte
Bagat Youth Alliance - Agusan del Sur

 

NMIP Indigenous Political Structures’ Unified Statement on Bill 273 or the “Bangsamoro Indigenous Peoples Development Act of 2024”

https://www.lrcksk.org/post/a-genuine-non-moro-indigenous-peoples-code-recognizes-ouridentities-our-ancestral-domains-and-our?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTAAAR3cXEQayCPn66AiL3CBbR_cMHk_chYiw4beyUHa_48lgocj68hlUu1_bnA_aem_AbWA_f0bI3YTO7WdkRvWiH7_BBCW-RyirCICovCH5q3aZ7CGJS9UJTK5NBOrESO25tf-Kaw_ELYirIKuYKQpWoe5

 

-----

Napagpasyahan ng mga dumalong organisasyon na tri-people sa isang Pulong-Talakayan sa Cotabato City noong May 24, 2024 na maglabas ng Pahayag Suporta sa tindig ng mga Non-Moro Indigenous Peoples hinggil sa BARMM IP Code at ipinasyang buksan sa iba pang mga grassroots organizations and networks na maaabot at susuporta.




Comments