"Sa sinaunang panahon, kung saan ang sistema ng lipunan ay nakabasi sa payak, maka-ekolohiya at makataong pamumuhay, ang papel ng mga nanay at kababaehan ay magkasing-halaga sa papel ng tatay, uncle, kapatid na lalake at ibang mga tao sa lipunan. Komunal pa nuon, wala pang sistemang pagmamay-ari na pribado kayamanan.
Nasadlak ang Nanay at lahat ng kababaihan sa papel na magpreserba sa kaayusan ng tahanan, magluwal ng buhay para may maging taga-pagmana (lalake) at taga-pangalaga (babae).
Ngunit sa kwento ng buhay ng maraming magigiting na Nanay at kababaihan, hindi lang bahay, asawa, anak at mga may sakit ang naging pinagtagumpayan nila. Magiting din nilang sinuong ang hamong mabuhay na minamaliit, piangsamantalahan at ina-abuso, hamon sa kabuhayan, ng pag-unlad, hustisya, pagkapantay-pantay ng lahat at kapayapaan sa lipunan.
Sa bawat kwento ng kasaysayan ng lipunan, sinuong ng mga Nanay at kababaihan ang lahat para sa pagmulat at paglaya!
Mabuhay ang lahat ng mga Nanay sa buong mundo! Maraming salamat po sa inyo!
Comments
Post a Comment