Kabanata 1
Lebak 2-day Mission Update:
Lebak 2-day Mission Update:
After sometimes na naging busy kami sa Kolambugan, Lanao del Norte, Cotabato at Maguindanao program implementation, masaya kaming nabisita muli ang TRIPOD demofarm at farmers center sa Barangay Poloy-poloy, Lebak, Sultan Kudarat.
Maraming salamat Barangay Captain Roy Balatero Molino Roy, Kagawad Pepito Uso at Kagawad Jameson Mijares ng Barangay Poloy Poloy sa masaya at masinsinang kwentohan patungkol sa kalagayang ngayon ng TRIPOD demo-farm sa may Sitio Guintales. Good luck at power on po sa inyo. We are so excited about our future plans and collaborations.
Saglit man ngunit ang saya lang na makasalamuhang muli ang iilang pamilya ng Dulangan-Manobo na patuloy na namumuhay sa maliit na resettlement area itinayo natin nuong 2004 matapos mafacilitate ang pagsiayos sa nagdaang alitan between Bangsamoro at Dulangan-Manobo sa nasabing lugar. Mapanuod sa maliit na documentary film entitled Voices of Mindanao ang estorya nito.
It is always our source of happiness and fulfillment to see your smiling faces - our partner tri-people communities. Maulan man, madulas ang daan pero masaya.
At syempre may side visit din sa aming mentor Manong Antonio F. Manaog, chairperson ng KILOS Ka Sultan Kudarat. We missed you Ariel Bonrostro. Mabuti na lang always ready c mader...
Abangan ang susunod na kabanata (Kalamungog event of Dhez Sapare Solon and Hanie Anie) na bahagi ng aming dalawang araw na misyon (este adventure)...
kasama ang reps ng Poloy-Poloy BLGU |
kasama ang beteranong Agrarian Reform and AgroEcology Champion Tony Manaog |
kasama ang mga Dulangan Manobo na kasama sa pagpanday-kapayapaan taong 2004 |
-------------------------------------------------------------------------------
KABANATA 2Lebak 2-Day Mission
Sa ikalawang bahagi ng lakad, nuong May 23-24, 2024, ang TRIPOD Team ay naglunsad ng Community Meeting at Re-Validation sa Barangay Kalamongog, Lebak, Sultan Kudarat upang ibahagi ang resulta sa isinagawang pag-aaral at pananaliksi sa komunidad tungkol sa Ethical Consideration sa pagtatapos ng mga humanitarian projects na nilunsad nuong nagdaang taon 2023.
Layunin sa pag-aaral na maisa-alang alang ang kapakanan at karapatan ng mga tawo sa komunidad, ang kanilang pananaw, opinyon at aktibong partisipasyon sa bawat proyektong pangkomunidad lalung-lalo na sa mga humanitarian projects.
Ang pag-aaral ay pingunahan ng MacGill University at Center for Disaster Preparedness Foundation, Inc. (CDPFI) kasama ang anim (6) pa na local humanitarian organizations dito sa Pilipinas. Ang Tripod Cotabato ay isa sa local organizations na katuwang sa pagbuo ng pag-aaral na ito.
Hango sa mga panayam sa komunidad ay nakabuo ng isang Gabay (Manual) na magamit nila sa mulat na pagtanggap at pagtatapos ng bawat proyektong gagawin sa kanila.
Ang resulta ng panayam, lumabas na may 7 elemento na pinapahalagahan ang komunidad sa pagtatapos ng isang proyekto. Ang mga sumusunod na Elemento ng pagtatapos ng proyekto ay:
1. Maging bukas ang anumang organisasyong na gustong tumulong tungkol sa kanilang mga layunin at pamamaraan, plano at talakdaan ng proyekto.
2. Malahag ang pagtutulungan sa pagitan ng mga people's organisasyon at mga lokal na pinuno.
3. Pakikilahok ng mga miyembro ng komunidad sa mga proseso at pagtatapos ng gawain ng proyekto.
4. Pagpapatuloy ng proyekto at mga benebisyo nito pagkaalis ng organisasyon sa lugar.
5. Pagsubaybay at patuloy na ugnayan ng organisasyon at komunidad
6. Pagtitiyak na patas at napapanatili ang magandang ugnayan at relasyon sa pagtatapos ng proyekto
7. Pagsuporta sa mga komunidad upang makaiwas at maging handa sa mga darating na sakuna.
Amin ding ibabahagi ang nasabing Gabay (Manual) na ito sa Barangay Poloy Poloy upang makatulong din sa kanila ang 7 Elemento ng Ethical Consideration sa pagproseso, pagtangap at pagtatapos ng anumang proyekto sa kanilang komunidad.
Comments
Post a Comment