Pagsasanay sa Basic Organizing at Leadership: Ang Yaman ng Kaalaman at Kakayahan
Ni: Alexandra March Caderon
Nito lamang nakaraang buwan, isinagawa ang isang makabuluhang Basic Organizing at Leadership Training. Kalsama ang ilang Non-governmental Organizations (NGO's) na nagdulot ng malaking epekto sa labing siyam (19) na mga aktibong kabataan lumahok higit sa kanilang komunidad. Ang nasabing pagsasanay ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagiging organisado at lider sa pagtatagumpay ng anumang layunin.
Sa loob ng dalawang araw na pagsasanay, naranasan ng mga kalahok ang mga aktibidad na nagtuturo sa kanila kung paano magplano, mag-organisa, at mamuno sa iba. Sa pamamagitan ng mga workshop, seminar, at role-playing exercises, magiging handa ang bawat isa na harapin ang mga hamon at maging epektibong lider sa kanilang sariling larangan.
Isa sa mga highlight ng pagsasanay ay ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pakikipagtulungan at pagtutulungan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagkakaroon ng tiwala sa isa't isa, mas mapapadali ang pagtupad ng mga layunin at pangarap ng bawat isa. Ayon pa sa pananaw ni Hermelyn Venancio isa sa kabataang lumahok sa nasabing aktibidad "Ang pagiging lider ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng utos, kundi pati na rin sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanilang mga kasamahan."
Bukod sa mga konsepto at kasanayan sa liderato, mahalagang naibahagi ng Kaagapay OFW Resource and Service Center isa sa nagpasimuno ng aktibidad ukol sa pagsasanay ang pagpapalakas ng kumpiyansa at determinasyon ng bawat kalahok. Sa pamamagitan ng mga motivational talks at mentoring sessions, naging mas handa at determinado ang bawat isa na harapin ang anumang pagsubok na kanilang susuungin.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, hindi lamang ang mga kalahok ang nag-uumapaw sa bagong kaalaman at kakayahan, kundi ang buong komunidad rin na kanilang pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas ng liderato at organisasyon ay isang hakbang patungo sa mas maunlad at masiglang kinabukasan para sa lahat.
Sa huli, ang naganap na Basic Organizing at Leadership Training ay hindi lamang isang simpleng pagsasanay, kundi isang simbolo ng pag-asa at pagbabago sa ating lipunan. Sa bawat lider na nabuo at bawat organisasyon na mabubuo, tunay na nagiging mas makabuluhan ang bawat hakbang tungo sa pag-unlad at pagbabago.
Comments
Post a Comment