July 30, 2024
UPDATES SA AMING HUMANITARIAN MISSION PARA SA MGA IDPs NA APEKTADO NG BAHA AT GYERA SA DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO DEL NORTE
Sa araw na ito, ang MIHANDS volunteers ay nagkaroon ng tatlong (3) pangunahing gawain:
Patuloy na nakikipag-usap sa mga IDPs at nag-alay ng pakikiisa sa hirap ng kanilang kalagayan at sa kanilang panalangin para sa kaligtasan at kasegurahan habang and ilan sa kanila ay nagdesisyong babalik sa kanilang lugar kaysa umalis sa paaralan tinutuloyan at ilipat sila ng LGU sa ibang evacuation center. Nag-umpisa na kasi ang klase at kailangan na ng mga estudyante ang mga rooms at ang buong paaralan.
Nagluto ng masarap at masustansyang ulam ang Kusina Bayanihan Team na siya namang ikinasiya at pinagsaluhan ng mga IDPs at mga workers na LGU na nagserve as Evacuation Camp Management sa Broce Elementary School
Nagkolekta at nagsorting sa mga relief goods (pre-loved clothes, sardines, noodles, blankets, infant kits, at iba pa) na ipinagkatiwala sa MIHANDS. Ihanda namin ito para bukas at sa susunod pa ng mga araw na relief distribution
MARAMING SALAMAT PO SA MGA NAGBIGAY NG DONASYON:
FR. BEN TORRETO Ben Torreto at mga Parishioners ng Queen of Peace Chapel, Cotabato City
ALCOTHANS
MTWRC, Inc.
Kaagapay OFW Page
Altahr Mindanao
Mindanao Peoples' Peace Movement (MPPM)
Tripod Cotabato
Personal Donations galing sa mga MIHANDS Volunteers
Para sa mga gustong magdonate at sumali sa MIHANDS humanitarian mission, welcome po sa lahat! Tingnan lang ang aming Call for Donations!
MARAMING SALAMAT sa aming mga dependable na volunteers sa hindi matatawarang commitment at walang humpay na pagserbisyo para sa mamamayang Lumad, Bangsamoro at Migranteng Settlers na nasalanta at nabiktima sa gyerang ito. KUDOS sa inyong lahat!
Keep posted also thru TRIPOD Cotabato: https://www.facebook.com/tripodcotabato
Comments
Post a Comment