Sa Pandaigdigang Araw ng Mamamayang Katutubo sa Mundo (2024), babahagi ko lang itong ala-ala ng lumipas...
"Bago nagkaroon ng Las Islas Filipinas ay may mga Pangkat Pangkat ng Pamayanan na sa Buong kapuluan na may kanya-kanyang pagkaka-ayos at pagtakbo sa ekonomiya, politika at kultura.
Bago pa naitatag ang Filipinas ay may sistemang Sultanato na sa katimugang bahagi ng kapuluan na may sariling pang-ekonomiya, pampulitika at kultural na sistema.
Bago pa nabuo ang mga Sultanato sa katimugang bahagi ng bansang dineklara na Filipinas ay may mga Pangkat Etniko nang namumuhay na may sariling pampulitika, pang-ekonomiya at kultural na sistema.
Sa halip na tanggaping pangungutya ang Filipino o Indio ay ginamit ito ng mga nagsipaghimagsik upang maging kamulatang magbubuklod bilang Mamamayang Malaya. Kahit na ang kataga o katawagan ay nagsimula sa pang-aaliping kahulugan.
Ganoon din ang kataga o katawagang Moro na uminog ngayong BangsaMoro. Dati ay panghuhusga at mapanlait na termino. Ngunit mas isinulong na maging kamulatang pagkakilanlan higit sa tribu/etnikong Pangkat ng mga nagsipagyakap ng pananampalatayang Islam.
Ngunit di maitago, mailihim o maiwaglit na bago ang mga ito ay may mga Pangkat Etniko na. At sa kasalukuyan ay patuloy na isinasabuhay ang kanilang sistema at kultura ng pamamahala. Sa Mindanao sinubukang magbuklod sa katawagang Lumad na kilala sa daigdig bilang Indigenous People na kilala naman sa hilagang Pilipinas na Katutubo.
Lahat ay may batayan ang mga karapatan na dapat kilalanin, pahalagahan at isakatuparan. Ang Pilipinas ay di tuwirang malaya na nagsasantabi sa Karapatan ng BangsaMoro at Lumad o Katutubo at ng kanyang Mamamayang naaapi. Dahil mula sa negatibong perspektiba ay naging katagang katumbas ay pagkakilanlan o kalayaan. Ang BangsaMoro ay hindi rin maging lubos na kalayaan kung naisasantabi nito ang Karapatan ng Pamayanang Katutubo sa loob ng teritoryo nito at maging ang kanyang buong Mamamayan. Ang Mamamayang Lumad ay di maging malaya kung ang kanyang Lupaing Ninuno, pagkakilanlan at Karapatan ay di naisasakatuparan maging ang Kalikasan at kanyang Mamamayan.
May pagkalahatang Pakikibaka laban sa Inekwalidad at Inhustisya habang may particular naman na Pakikibaka sa Paglaya.
Ayon pa Kay F. Engels, walang kalayaan ang Isang bansang nang-aapi sa iba pang bansa."
---
Posted 2 years ago.
Buti na lang nakapagpic with this piece.
Remo Camote
Comments
Post a Comment