Paggunita sa ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law
Ika-21 ng Setyembre, 2024
“Pananagutan sa Panahon ng Bagong Lipunan…
Kalayaan at Hustisya sa Panahon ng Bagong Pilipinas!”
Masaklap na pamana ng martial law ang patuloy na nararanasan nating kabuktutan at korapsyon sa pamahalaan, mababang kalidad ng serbisyo publiko, at ang pagnakaw ng mga opisyal sa kaban ng bayan. Nanganganib itong magpatuloy sa mga susunod na salinlahi kung hindi tayo matuto sa aral ng ating kasaysayan.
14.62 trilyong piso ang halaga ng pambansang utang, habang nananatiling pinakadelikado sa buong mundo ang ating bansa sa mga kalamidad, epekto ng climate change at kahinaan ng remedyong pangmatagalan. 90 bilyong piso ang kinukupit ng gobyerno mula sa Philhealth samantalang libu-libong manggagawang pangkalusugan ang naghihintay sa kanilang hazard pay hanggang ngayon! Mga kriminal ang naluluklok sa pinakamatataas na pwesto sa gobyerno habang patuloy na inaatake at pinapaslang ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao.
Sa araw na ito tayo ay nagtitipon hindi lamang upang alalahanin ang isa sa pinakamadilim na kabanata ng ating kasaysayan, kundi upang bigyang pugay at ipagpatuloy ang laban ng mga naunang bayaning tumutol sa martial law- mga ordinaryong mamamayan, kabataan, kababaihan, katutubo, guro, manggagawa, at iba pa—na nagbuwis ng kanilang kalayaan at buhay para sa isang bansang malaya, maunlad at makatarungan. Kinikilala natin ang kanilang sakripisyo sa ngalan ng katarungan, demokrasya, at karapatang pantao. Ating titiyaking hindi masasayang ang kanilang nilaban para sa atin. Pahayag ng Lilak na tinatayang may 3.95 milyong pamilyang Pilipino ang kasalukuyang gutom sa ating bayan. Sa kanayunan, patong-patong ang kadahilanan ng ganitong sitwasyon - ang pagmahal ng presyo ng mga bilihin, ang pagkasira ng mga taniman sa sunod-sunod na malalakas na pag-ulan at bagyo; ang pag-aagaw ng lupaing ninuno para sa minahan, plantasyon, subdivisions. Wala na ngang tulong na maasahan sa pamahalaang ito sa panahon ng disaster, ito pa ang nagbubukas sa ating likas yaman, para pagkakitaan ng mga foreign investors at corporations ng mga malalaking pamilyang kaibigan at kapulitika, Like father, like son - cronyism, corruption, pananamantala sa likas yaman.
Kaya’t ngayon sa ating paggunita ng anibesaryo ng Martial Law, ating alalahanin ang mga na-martyr ng diktaduryang Marcos tulad ni Macliing Dulag mula sa Kalinga, na hanggang sa huli, ay lumaban para sa kanilang lupaing ninuno. Ipagpatuloy at paigtingin ang pagdepensa sa lupa, pagkain, at karapatan.
Batid ng Partido Manggagawa na ang Bagong Lipunan na tatak ng nakatatandang Marcos noong rehimen ng martial law ay muling ipinakikilala sa Bagong Pilipinas sa ilalim ni Marcos, Jr. Ang sitwasyon ng karapatang pantao ay maaaring ibang-iba sa intensity at laki. Gayunpaman, isang bagay ang nananatiling pareho - ang pagpapakita ng maluhong pamumuhay ng unang pamilya sa gitna ng pagtaas ng halaga ng bilihin. Ang bonggang birthday bash ni Bongbong kasama ang bandang Duran-Duran, bukod pa sa mga regular na party na may catering services sa Malacanang, ay patunay ng walang patid na tradisyong ito ng Imeldefic. Kasabay nito, nakikipaglaban ang mga manggagawa sa sahod sa gutom, mga trabahong kontraktwal, kawalan ng trabaho, at nalulumbay na kabuhayan.
Panawagan naman ng Youth for Nationalism and Democracy YND na balikan natin ang kasaysayan para maunawaan natin ang kasalukuyan. Maging leksyon sa atin ang 360 degree turn natin. Ang pamilya ng diktador na pinatalsik ng mamamayan ngayon ay nakaluklok sa pinakamataas na poder sa bansa. Anong nangyari? Naniwala ang marami sa Tallano Gold, sa 20 Pesos per kilo ng bigas, malalim na nakabaon sa kultura natin ang Traditional Politicking at hindi (nagresearch) nagsisiyasat, naniniwala sa sabi-sabi at mis-impormasyon. Adhikain natin, nawa'y manatiling buhay sa ating puso at isip ang ating karanasan at laban sa martial law, na hindi dapat hayaang maulit at tuluyang makalimutan.
Bilang parangal sa kabayanihan ng mga martir at survivors ng martial law, tayo ay sumusumpa sa kanilang ala-ala. “Ipagpapatuloy ng iDefend ang pagkilos, pakikipag ugnayan at pagharap sa hamon tungo sa paggugobyernong tunay na maka karapatang pantao. Patuloy na balikan ang kasaysayan, matuto mula sa maraming karanasan. Tuloy ang laban hanggang sa pagtatagumpay ng mga usapin ng mamamayan!”
Manindigan muli at palagi!
#NeverForget #ML52 #BuhayAngEDSA

Comments
Post a Comment