Muntikan Na: May Kapit, Sumabit. Ligtas!

 source: Kusina Bayanihan

Muntikan Na: May Kapit, Sumabit. Ligtas!
Takip-silim na. May dumungaw na bata at nanghiram ng itak pamputol daw ng punong avocado.
"Di Yan matalas pero pwede na. Sino pala puputol? Saang bahay?"
Di na ako nasagot ng bata. Halatang nagmamadali at nilalamig.
At dahil maulan, makulimlim pa rin at madilim na ay sinundan.ko ang bata.
Nakita ko sa lugar, punong avocado. Mukhang napagod sa pambubugbog na inabot sa epekto ng habagat. Kaya napasandal sa isang bahay. Nataong maglola lang ang nasa bahay. Kaya pinuntahan ang all-around rescuer ng Ante Compound na si Hepe Toto Felipe ng Kusina Bayanihan upang magpatulong. Likas na rumeresponde si Toto sa mga paghingi ng saklolo sa kapitbahayan.
Paisa-isang pinuputol ni Toto ang mga maliliit na sanga habang inaanalisa ang gagawin. Patak pa rin ang ulan. Dinig mo naman ang nababahalang Lola na sa mga bigkas nitong salita ay sumasamong matulungan upang maibsan ang takot, gumagabi na Kasi baka tuluyang bumagsak ang puno at wasakin ang bubungan nila.
At nagpasyang akyatin sa taas ng buhungan si Toto upang i-trim ang mga sanga para mabawasan ang bigat ng pagkakasandal ng puno sa bahay. Ito lang ang paraan.
Nakahoody jacket at six pocket shorts na kaki si Toto. Halatang ingat ang pag-akyat sabay ang pagputol pa-isa-isa sa mga sanga. Madulas din kasi ang basang katawhan ng puno.
Ang di nakalkula ni Toto nang putulin ang panghuling dulong sanga. Biglang nag-bounce-back (nag-swing to the left, to the right... ilang ulit din) ang katawan ng punong kinakapitan nito. Buti na lang at mabilis ang reflex nito at ang hood ng jacket ay nasabit sa dulo ng puno at ang shorts niya ay sumabit din sa mga nakausling bahagi ng mga pinutol na sanga.
Tumigil sandali sa pag-galaw si Toto at hinihintay ang kasunod na mangyayari. Nagtatantya kung bibigay ba ang kinakapitan nito o stable pa. Ako man din sa baba ay nanginig ang katawan. Akala ko mahulog at babagsak sa bubong si Toto.
Maya-maya, dahan-dahang bumaba si Toto sa Puno at tinapos nitong linisin ang mga nagpapabigat na sanga sa ibabang bahagi.
Buti na lang mabilis, may kapit at sumabit.
Ligtas si Toto. Ligtas ang pagtulog ng mga maglola ngayong gabi.
Itutuloy bukas. Gabi na!
Salamat Toto Felipe! Tunay kang maaasahan!
Ingat lahat!
Mula sa post ni Bay Remo Camote

 

Comments