HOLCIM Philippines Lugait Plant locked out Unions


Pahayag ng mga Manggagawa ng Holcim Philippines Lugait Plant
 
"Inilagay sa lock out ng Holcim Philippines, Inc. (HPI), isang miyembro ng LafargeHolcim Group, Inc, ang aming 63 na Supervisory at 79 na Rank-and-file na empleyado/Union officers at mga miyembro nito sa Lugait Cement Plant na matatagpuan sa Lugait, Misamis Oriental, Mindanao, Philippines, simula noong Lunes, ika-anim ng Enero, taong 2025. Itong hindi inaasahang hakbang ng HPI, na matagal nang kilala bilang isang may malasakit at nakasentro sa kapakanan ng mga manggagawa ay nagmula sa deadlock sa collective bargaining agreement negotiations sa aming mga unyon [Holcim Lugait Supervisory Union - Federation of Democratic Labor Organization (HLSU-FDLO) at Holcim Philippines Workers Union - Federation of Democratic Labor Organization (HPWU-FDLO)].
 
Nagdeklara ang aming mga Unyon ng deadlock at sumampa ng Notices of Strike sa National Conciliation and Medication Board (NCMB) ng Department of Labor and Employment (DOLE), Regional Office 10, samantalang ang HPI ay sumampa naman ng Notice of Lockout. Nangyari ito matapos ang mga serye ng plant-level na mga negosasyon para sa isa pang limang taong termino na CBA para sa mga supervisors at muling pakikipagnegosasyon ng huling dalawang taon ng mga umiiral na CBA para sa mga rank-and-file na empleyado. Ito ay lubos na nakalulungkot na ipinilit at iginiit ng mga negotiator ng Holcim Management ang linyang “take it or leave it” na posisyon sa kabila ng pagpapayag ng aming mga Unyon na malutas nang mapayapa ang hindi pagkakasundo na nakabase sa “win-win” formula ng NCMB.
 
Idineklara ng HPI na ang Lugait Plant ay umano’y nagtamo ng “financial setback o net profit slump” kung saan ang aming Unyon ay mahigpit itong pinabulaanan sa dahilang ang sinabing di umano’y mga kawalan ng pinansya ng HPI ay salungat sa mga actual cement dispatch at plant performance ng Holcim Lugait Plant bago pa man nag 2024.
 
Dahil sa lockout, kami ay nahihirapang pakainin ang aming pamilya dahil pinagkaitan kaming makapagtrabaho."
 
FLINT RAY T. AREOLA
President, HLSU-FDLO
09177200858
 
OLIVER D. TAGORDA
President, HPWU-FDLO
09175554469
 

 

Comments