PBBM admin after three years: KULANG, HINDI SAPAT!

KULANG, HINDI SAPAT!

"Nakukulangan ang mga mamamayan sa tugon ng gobyerno sa gutom at kahirapan; proteksyon at sustenabling serbisyo para sa kababaihan, kabataan, VDCs, PWDs, Senior Citizens, Solo parents, Brgy workers, OFWs at pamilya nila, at sa malawak na maralita; kawalang trabaho at mababang sweldo; pagmahal ng mga bilihin at serbisyo; pagbagsak ng agrikultura at pangisdaan; pagnanakaw sa kabang-bayan; pagsira sa kalikasan at krisis ng klima; paglubog ng bansa sa utang; at pamamaslang at pandarahas laban sa mga Katutubo, Tanggol-Karapatan at Tanggol-Kalikasan. Patuloy ang pagkiling nito sa interes ng mga dinastiya at kapitalista."

Sa nalalabing tatlong taon ng administrasyong Marcos Jr ay dapat na matiyak at maisakatuparan nito ang:
- Dekalidad na Serbisyo sa Edukasyon, Kalusugan at Kabuhayang may dignidad (nakabubuhay na sahod at benepisyo);
- Dekalidad at malaya sa manipulasyon at kurapsyon na mga programang social protection lalo na para sa mga matatanda, solo parents, PWD at iba pang nasa laylayan;
- Sapat at dekalidad na programa at suporta para sa sustenabling agrikultura at pangisdaan;
- Ibasura ang batas na pumapayag sa 99 years pangungupa (lease) ng mga dayuhang korporasyon sa kalupaan sa bansa at tindigan ang pambansang soberanya laban dayuhang interes;
- Itigil ang lahat na logging and mining permits at operations at bigyang daan ang masusing pag-aaral para sa land and resource-use and management sa bansa;
- Komprehensibo at demokratikong programa para sa pangangalaga sa karapatan at pagpapaunlad sa kakayahan ng mga kabataan;
- Proteksyon at sustenabling programa at suporta para sa mga Kababaihan, Victims of Disasters and Calamities, Senior Citizens, Solo parents, Persons with Disabilities, OFWs at kanilang mga pamilya;
- Proteksyon, katarungan at pagtitiyak sa mga karapatan ng mga Non-Moro Indigenous Peoples at buong Katutubong pamayanan sa bansa;
- Tiyakin ang informed, demokratiko, mapayapa at malayang Halalang BARMM 2025;
- at agarang Putulin at itigil ng Republika ng Pilipinas ang anumang kaugnayan nito sa gobyerno ng Israel at tumindig para sa pagkilala sa Palestina bilang bansa.

Ilang susi sa paghahatid ng tunay na serbisyong nararamdaman ay ang totohanang imbestigasyon at pagbuwag ng kurapsyon sa burukrasya, paglilitis at pagpapanagot sa mga may kasalanan; at ang pagpasa ng anti-dynasty na batas. Atupagin na ng gobyerno ang mga panawagan ng mga mamamayan at hindi ang magsilbi sa interes ng mga namumuno at kapitalistang kakuntsaba.

Bahagi naman ng kanyang pagsusulong ng pagkakaisa sa bansa ay dapat nakasentro sa Karapatang Pantao at Katarungan. Ginagamot ang mga sugatang damdamin ng mga biktima ng pagyurak, pang-aapi at pananamantala. Kasama sa mga hakbang ay dapat itulak na ng administrasyong Marcos, Jr and pagbabalik-International Criminal Court na ng Pilipinas.

Higit na patunayan ng PBBM administration na ang Bagong Pilipinas nito ay hindi lamang logo, propaganda kundi tunay na nakaapak sa mga hinaing at pangarap ng malawak na mamamayan.

 

https://www.facebook.com/photo/?fbid=1189150249923903&set=a.482440490594886 

Comments