KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN SA KANAYUNAN, ISAKATUPARAN! - AMKP


KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN SA KANAYUNAN, ISAKATUPARAN!

Nakikiisa ang Alyansa ng mga Mamamayan para sa Karapatang Pantao sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan sa Kanayunan.
 
Naniniwala ang AMKP na ang patuloy na maka-ginansya at tubo na pangkaunlarang balangkas ng ekonomoiya sa Pilipinas at mundo ay nag papahamak lalo sa mga maliliit na lumilikha ng pagkain, liban pa sa kawasakan sa kalikasan at paglabag sa karapatang kasabay ng sistemang ito. Sa parehong krisis ay labis na apektado ang kakaihan na kasalukuyan nang dumaranas ng iba't-ibang porma ng pananamantala.
 
Ang Kanayunan sa kasalukuyan na kung saan naroon din kadalasan ang mga lupaing ninuno ng mga katutubo ay karaniwang target ng pagmimina, agribusiness at iba pang pang-komersyal na proyekto upang maglikom ng ginansya. Kaakibat nito ay ang pandarahas at pagyurak.
 
Partikular sa buhay ng mga Katutubong Teduray at Lambangian, sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay tinatanaw nito ang kagubatan at Lupaing Ninuno bilang buhay at integral na sa kanilang pagkakailanlan. Nahaharap sa banta ng pagmimina at kasalukuyang dumaranas ng land grabbing at pandarahas. Ilang lider na rin (di bababa sa 100) ang pinaslang.
 
Katulad din ng kanilang kalagayan ay ang mga magsasakang organiko sa Kanlurang Mindanao, partikular sa Zamboanga del Sur na nahaharap sa banta ng malawakang pagmimina ang kanilang mga sakahan at komunidad.
 
Habang matagal na na sigaw ng mga kababaihan at mga komunidad sa kanayunan ang sapat at dekalidad na serbisyong agrikultura at pangkaunlaran ay lantad naman ng paglustay at malawakang korapsyon ang mga ahensya at pamahalaan. Namamatay na gutom ang taumbayan na di nakatikim sa bunga ng kanilang pagsisikap at ambag sa ekonomiya. Walang napaparusahan sa halip ay patuloy pa ang kahirapan.
 
Sa balangkas na ito ay mas kinakaitigan ng pamahalaan ang importasyon kaysa paunlarin ang local na agrikultura. Sa imbestigasyon sa kasalukuyan sa Senado ay lumalabas ang malalim at malawak na kuntsabahan ng mga tiwaling kawani, opisyal at negosyante. Matagal na itong nailantad ngunit tila bulag, bingi at walang nakita ang pamahalaan at mga naatasang ahensyang maging bantay. Ang imposrtasyon at kurapsyon ay magkasamang pumapatay sa lokal na agrikultura at kanayunan.
 
At ang bawat pagtindig ng mga kababaihan at mga mamamayan ay nahaharap naman sila ng panseguridad na mga banta at pagki-kriminalisa sa kanilang pagsusulong.
 
Kasama ang AMKP sa nanawagan ng Katarungan sa mga inhustisya para sa mga Katutubong Pamayanan at Mamamayan sa Bangsamoro Auonomous Regon in Muslim Mindanao at para sa mga Kababaihan sa Kanayunan saan man sa Mindanao at buong mundo!
 
Wakasan ang Kurapsyon! Ikulong ang mga Mandarambong!
Paunlarin ang Agrikultura at Kanayunan na walang pagsira sa kalikasan!
 
Hindi lang ito usaping ligtas na pagkain, laban ito para sa ligtas at makatarungang kinabukasan sa mga pamayanan at mundo!
 
Mabuhay ang Kababaihan!
Mabuhay ang Kababaihan sa Kanayunan!
Mabuhay ang mga Magsasaka!
Mabuhay ang mga Katutubo!
Katarungan, Ngayon Na!
 

Comments