MAY KAPASIDAD BANG IPAGTANGGOL O MAY PUSO NGA BA ANG BARMM AT GOBYERNO NG PILIPINAS PARA SA MGA KATUTUBO (NMIP)?
Ang Alyansa ng mga Mamamayan para sa Karapatang Pantao ay kumukondena sa pinakamataas na diwa sa karumal-dumal na pagpatay sa isa na namang lider-Katutubong Teduray na si Ramon Lupos sa Sitio Kulab, Barangay Limpongo, Datu Hofer, Maguindanao del Sur nitong Setyembre 30, 2025.
Ito ang masaklap na salubong ng mga Non-Moro IP sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagsisimula ang buwan ng mga Katutubo (Oktubre) nitong taon.
Habang tinagurian pa namang buwan ng Kapayapaan ang nakalipas na buwan at halos lahat ng ahensya ay may pa-banner banner pa ng Peace Consciousness Month nitong nakalipas na buwan ng Setyembre, ngunit paano ba ito naging Kapayapaan sa buhay ng mga NMIPs?
Ang insidenteng ito ay isa lamang sa marami pang kaso ng pamamaslang, pandarahas at land grabs na naiulat na walang ni isang kalutasan o hustisyang nakamit.
Wala na bang katapusan ang pamamaslang at karahasan laban sa mga Non-Moro IPs?
Itinaas na ng mga NMIPs sa maraming lebel ng pamahalaan sa rehiyon at bansa ang kanilang dinaranas. Nagkaroon pa ng Congressional Inquiries ukol sa sitwasyon nila. May mga Senador pa na nag-imbestiga umano sa kalagayan nila. Habang ang mga national at international NGOs, advocates and civil societies ay naiimbita ang mga lider upang magsalita ukol sa kanilang kalagayan. Ngunit, tila ba naisisigaw ang mga nasabing panawagan sa mga manhid at walang malasakit na lipunan at sangay ng mga pamahalaan.
Ayon sa mga lider at mga NMIPs, sila ay tila ba laging biktima ng di pagkilala na bahagi ng lipunan at bilang mga mamamayan. BIKTIMA SA PANAHON NG GYERA, BIKTIMA PA RIN SA PANAHON NG SINASABI NILANG KAPAYAPAAN!
Si Ramon Lupos ay isa lamang sa di bababa 100 na na buhay ng mga katutubong napaslang sa loob ng anim na taon.
Nananawagan ang AMKP sa lahat na mga panlipunang organisasyon sa loob at labas ng rehiyon at bansa na pilitin ang administrasyong Marcos, Jr na tutukan at seryosong tugunan ang kalagayan ng mga NMIPs sa BARMM!
Nananawagan din tayo sa Ministry for Indigenous Peoples Affairs, National Commission on Indigenous Peoples, Commission on Human Rights at katumbas na ahensyang Bangsamor Human Rights Commission na MAGKAROON NG KLARONG KALUTASAN AT KATARUNGAN ANG KRIMENG ITO AT ANG LAHAT NA KARAHASANG DINANAS NG MGA NMIPs!
Nanawagan din ang AMKP sa International Community (Diplomatic and Civil Society) na idemand sa bansang Pilipinas at BARMM na lutasin ang mga kasong tio, tiyakin ang kaligtasan ng mga NMIPs at matiyak ang mga karapatan ng mga NMIPs ayon sa PANDAIGDIGAN at PAMBANSANG batas at instrumento na umiiral!
WAKASAN ANG PAMAMASLANG at BIGYANG KATARUNGAN!
WAKASAN ANG SISTEMATIKONG PANUNUPIL AT PANANAMANTALA LABAN SA MGA KATUTUBO!
Oktubre 1, 2025
#nmiprightsmatter #nmiplivesmatter #nmipsmatter

https://www.facebook.com/photo/?fbid=1242344151271179&set=a.482440490594886  
 
Comments
Post a Comment