SYSTEMIC FAILURE IS A GRAVE MORAL SIN
Filipino Katoliko, Inc. (FK) Calls for Immediate Accountability, Justice, and Ecological Reform for the Nation’s Stewards
In the spirit of the Gospel and the prophetic tradition that “the cry of the Earth and the cry of the Poor are inseparable,” the Filipino Katoliko, Inc. issues this solemn Declaration of Conscience. With deep sorrow and unwavering conviction, we proclaim that the collective failure of society and its entrusted institutions to confront corruption, anti-people policies, and ecologically destructive practices constitutes a grave moral sin against the poor, the land, and the nation’s future.
The timing of this proclamation—within Indigenous Peoples’ and Peasants’ Month  (October 2025)—underscores the urgency of a moral reckoning for all who bear the mantle of stewardship over God’s creation.
THE MORAL SCANDAL: BETRAYING OUR BROTHERS AND SISTERS
The present crisis is not merely structural or political; it is a moral scandal. Decades of impunity, violence, plunder, and complacency have nurtured a culture that now threatens the very body of Christ:
- ₱10 Billion Stolen from Rural Communities – Audits reveal that more than ₱10 billion earmarked for FarmtoMarket Roads vanished through “ghost” projects and cost inflation up to 23 times the legitimate amount. These thieves robbed the poor of the lifelines they need to survive.
- Syndicate Rule as Moral Injury – A cartel-driven network of officials and powerful capitalists manipulates import transactions, deliberately suppressing farm-gate prices and crushing farming families.
- Assault on God’s Stewards – The criminalization, intimidation, and murder of community leaders and environmental defenders constitute an attack on the very creation entrusted to humanity.
Our conscience compels us to speak: “We cannot stand silent as the very people who feed our nation are driven deeper into poverty… Our silence would make us complicit in this injustice.” (Jeremiah 31:17).
A COVENANT FOR REDEMPTION
Guided by the Gospel’s call to justice, love, and care for creation, FK presents a comprehensive blueprint for national redemption rooted in the dignity of life and the sanctity of the land.
- End Corruption and Uphold Accountability
Immediate, uncompromising prosecution of all officials who misappropriate agricultural and government funds and those who orchestrate exploitative import/export schemes (Exodus 20:15).
- Reverse AntiFarmer Economic Policies
Scrap punitive statutes such as the Rice Tariffication Law; renegotiate unfair trade accords; provide free irrigation, accessible credit, and postharvest facilities so that farmers may live free of debt and hunger.
- Secure Land and Human Rights
Enact a farmercentered Agrarian Reform, halt landgrabbing, enforce Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) for Ancestral Domains, and end the criminalization and extrajudicial killings of peasants and rights defenders (Genesis 2:15).
- Promote Ecological and Food Sovereignty
Shift the Department of Agriculture from chemicalintensive models to agroecological farming, bolster local ecological industrialization, repeal the Philippine Mining Act of 1995, and enact a sustainable mineralmanagement policy that honors both people and planet (Number 35:33).
OUR CALL TO THE CHURCH AND ALL CHILDREN OF GOD
The Filipino Katoliko church reaffirms its commitment to solidarity and moral advocacy until these fundamental demands are met with decisive political action. We summon every child of God to:
- Stand in prayer and praxis for justice, ecological integrity, and the dignity of every Filipino farmer (Genesis 2:15).
= Walk handinhand with Indigenous peoples, peasants, and environmental defenders, embodying the biblical mandate to “seek justice, correct oppression, defend the fatherless, plead for the widow” (Isaiah 1:17 / Psalm 82:3-4).
Together, let us answer the divine summons to be faithful stewards of the Earth and compassionate neighbors to the poor.
----------
Ang pagkabigo ng sistema ay isang malaking moral na kasalanan.
Nanawagan ang Filipino Katoliko, Inc. (FK) para sa agarang pananagutan, katarungan, at reporma sa ekolohiya para sa mga tagapangalaga ng bansa.
Isang Pagpapahayag ng Konsensya
Sa diwa ng Ebanghelyo at ng tradisyon ng mga propeta na "ang sigaw ng Daigdig at ang sigaw ng mga Mahihirap ay hindi mapaghihiwalay," inilalabas ng Filipino Katoliko, Inc. ang taimtim na Pahayag ng Konsensya na ito. Sa malalim na kalungkutan at walang pag-aalinlangang paniniwala, ipinapahayag namin na ang sama-samang kabiguan ng lipunan at ng mga institusyong pinagkatiwalaan nito na harapin ang korapsyon, mga patakarang laban sa mamamayan, at mga gawaing nakasisira sa ekolohiya ay bumubuo ng isang malaking moral na kasalanan laban sa mga mahihirap, sa lupa, at sa kinabukasan ng bansa.
Ang pagpapalabas na ito sa panahon ng Buwan ng mga Katutubong Tao at Magsasaka (Oktubre 2025) ay nagbibigay-diin ng agarang moral na pagsusuri para sa lahat ng may pananagutan sa pangangalaga sa nilikha ng Diyos.
ANG MORAL NA SKANDALO: PAGTATRAYDOR SA ATING MGA KAPATID
Ang kasalukuyang krisis ay hindi lamang istruktural o politikal; ito ay isang iskandalo ng moralidad. Mga dekada ng kawalang pananagutan, karahasan, pagnanakaw, at pagwawalang-bahala ang nagpalaganap ng isang kultura na ngayon ay nagbabanta sa mismong katawan ni Kristo:
- ₱10 Bilyong Ninakaw mula sa mga Komunidad sa Kanayunan – Ipinakita ng mga audit na higit sa ₱10 bilyon na nakalaan para sa mga Farm to Market Roads ang nawala sa pamamagitan ng mga "ghost" na proyekto at pagtaas ng gastos na umabot sa 23 beses ng lehitimong halaga. Ang pagnanakaw na ito ay nagbubunga na ang mga mahihirap ay hindi nakakatanggap ng mga pangunahing pangangailangan na kailangan nila upang mabuhay.
- Pamamahala ng Sindikato bilang Moral na Pinsala – Isang kartel na pinapatakbo ng mga opisyal at makapangyarihang kapitalista ang nagmamanipula sa mga transaksyon sa pag-import, sinasadyang pinipigilan ang mga presyo sa sakahan at sinisira ang mga pamilyang magsasaka.
- Pag-atake sa mga Tagapamahala ng Diyos – Ang pagkriminalisa, pananakot, at pagpatay sa mga lider ng komunidad at tagapagtanggol ng kalikasan ay bumubuo ng pag-atake sa mismong nilikha na ipinagkatiwala sa sangkatauhan.
Pinipilit tayo ng ating konsensya na magsalita: "Hindi tayo maaaring manahimik habang ang mismong mga taong nagpapakain sa ating bansa ay lalong nalulubog sa kahirapan... Ang ating pananahimik ay magiging pakikipagsabwatan natin sa kawalang-katarungang ito." (Jeremias 31:17).
Isang Tipan para sa Pagtubos
Sa gabay ng panawagan ng Ebanghelyo para sa katarungan, pagmamahal, at pagmamalasakit sa kalikasan, nagbibigay ang FK ng komprehensibong plano para sa pambansang pagtubos na nakaugat sa dignidad ng buhay at kabanalan ng lupain.
Wakasan ang Korapsyon at Panatilihin ang Pananagutan
- Agad at walang pag-aalinlangang pag-uusig sa lahat ng opisyal na naglulustay at maanomalyang paggamit ang pondo ng agrikultura at pamahalaan, at sa mga nag-oorkestra ng mapagsamantalang mga plano sa pag-import/export (Exodo 20:15).
- Baliktarin ang mga Patakarang Pang-ekonomiya na Anti-Magsasaka. Tanggalin ang mga pasakit na batas tulad ng Rice Tariffication Law; repasuhin ang hindi makatarungang kasunduan sa kalakalan; magbigay ng libreng patubig, madaling ma-access na subsidyo, at post-harvest facilities upang ang mga magsasaka ay mabuhay nang malaya sa utang at gutom.
- Seguridad sa Lupa at Karapatang Pantao. Ipatupad ang repormang agraryo na nakatuon sa magsasaka, itigil ang pangangamkam ng lupa, ipatupad ang Free, Prioir and Informed Consent (FPIC) para sa mga Lupang Ninuno, at wakasan ang kriminalisasyon at extrajudicial killings ng mga magsasaka at tagapagtanggol ng karapatan (Genesis 2:15).
- Itaguyod ang Ekolohikal at Pagkakapantay-pantay sa Pagkain
Ituon ang Kagawaran ng Agrikultura at buong gobyerno mula sa mga modelong gumagamit ng maraming kemikal patungo sa agrikulturang pang-ekolohiya, palakasin ang lokal na industriyalisasyong pang-ekolohiya, bawiin ang Philippine Mining Act of 1995, at magpatibay ng alternatibong patakaran sa pamamahala ng mineral na iginagalang ang mga tao at ang planeta (Bilang 35:33).
Ang Ating Panawagan sa Simbahan at sa Lahat ng Anak ng Diyos
Muling pinagtibay ng Simbahang Filipino Katoliko ang ating pakikaisa at moral na adbokasiya hanggang sa matugunan ang mga pangunahing kahilingang ito sa pamamagitan ng tiyak na aksyong pampulitika. Tinatawagan natin ang bawat anak ng Diyos na:
Tumindig sa panalangin at gawa para sa katarungan, integridad ng ekolohiya, at dignidad ng bawat magsasakang Pilipino (Genesis 2:15).
Makiisa nang magkahawak-kamay kasama ang mga katutubo, magsasaka, at tagapagtanggol ng kalikasan, na nagpapakita ng utos sa Bibliya na "hanapin ang katarungan, ituwid ang pang-aapi, ipagtanggol ang mga ulila, at ipaglaban ang karapatan ng mga biyuda" (Isaias 1:17 / Awit 82:3-4).
Magkasama, sagutin natin ang banal na panawagan na maging tapat na katiwala ng Daigdig at mahabaging kapwa sa mga mahihirap.
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=pfbid027V1WEugEHgKLuAYsgSj4KBQFNR6qq8Vce11jDm8AeTeAok2uxFXPgVNeuohq9yuSl&id=100075657652675

Comments
Post a Comment