Sa Araw ng mga Nanay 2024, pinakamasarap na regalo ay ang ITIGIL NA ng Pamahalaang Netanyahu ang Genocide laban sa Palestina!
Singsakit sa tumarak na sibat 
Sa dibdib ag ina ang pasang bigat 
Binomba ang bayan at mamamayan
Pinaslang ang mga anak, dinurog
Lumuha at ipagsigawan ang hapdi
Tumindig iwagayway ang mithi
Malugmok man ay bumangon 
Makibaka Ina, Itanghal dakilang layon!
Free Palestine!
End the occupation!
End the Genocide!
- Alyansa ng mga Mamamayan para sa Karapatang Pantao 
Mother's Day 2024

Comments
Post a Comment