Maliwanag na Kapitalista at Kakuntsabang mga Politiko ang makikinabang sa Charter Change nila.
Una, sino ang nagsusulong? Sila!
Pangalawa, paano ito isinulong o proseso? Sugo ng mga Politiko at Kapitalista. Nilinlang ang mga Mamamayan sa pamamagitan ng pulong-pulong, ayuda, at disimpormasyon.
Pangatlo, ano ang laman ng isinusulong?
Liberalisasyon at Praybitisasyon o pagpapasakamay sa mga Kapitalista (higit sa dayuhan) sa mga yamang likas, rekursos at serbisyo sa ngalan ng tubo at kita.
Para kanino? Hindi para sa karaniwang tao! Kundi para sa Kapitalista at Kuntsabang Politiko.
IBASURA ANG CHACHA!
IPAGLABAN ANG SOBERENYA!
PAUNLARIN INDUSTRIYANG MAKAKALIKASAN AT MAKATAO!
Comments
Post a Comment