Kailangang makamit ang hustisya sa patraydor na pagpaslang kay Ali Macalintal, isang trans woman na mamamahayag sa General Santos. Kung susundan ang kasaysayan ni Ali bilang mamamahayag at human rights defender, kagyat nating makikita na ang pagpaslang sa kanya ay bunga ng kanyang pagtindig sa mga usapin ng mamamayan. Pagpapakita ito na hanggang ngayon ay hindi tumitigil ang mga nasa kapangyarihan sa pagpapatahimik ng sinumang naglalakas-loob na magbigay ng tinig sa mga usapin ng taumbayan.
Nangyari rin ito ngayong Pride Month kung saan kinikilala ang katapangan ng maraming bahagi ng LGBTQIA+ community sa paglaban para sa ating mga karapatan. Hinahamon natin ang pamahalaan na tiyaking iiral ang hustisya sa lahat ng mga karahasan sa maraming mga LGBTQIA+, mamamahayag, at mamamayang lumalaban para sa karapatan.
Source: Katarungan kay Ali Macalintal
Comments
Post a Comment