PAUNAWA MULA SA TJG HINGGIL SA PROSESO NG TRIBAL ASSEMBLIES AT PAGPILI NG KINATAWAN SA REGIONAL INTER-TRIBAL CONVENTION HANGGANG SA PAGPILI NG KINATAWAN SA PARLAMENTO NG BARMM MULA SA NMIPs

 

Noong ika-13 ng Agosto, 2026, nagsagawa ng kanduli o ritwal ang Timuay Justice and Governance (TJG) kaugnay ng Teduray and Lambangian Ancestral Domain Claim (TLADC) upang humingi ng gabay para sa maayos at mapayapang daloy ng pagproseso ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT).  Photo. TJG

 

๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‰๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐Ž๐๐Ž๐Œ๐Ž๐
Agosto 19, 2026

Mapagmahal na pagbati!

Nakakalungkot po na isipin sa paragraph 2 ng invitation ng lead Convenor sa Tribal Congress ay ganito ang nakasulat, “The Tribal Congress is being convened as a peaceful and constructive gathering of the Teduray People to provide a space for consultation and dialogue concerning the selection of Non-Moro Indigenous Peoples (NMIP) representatives in the Bangsamoro Parliament.” Ngunit sa rationale pa lamang sa naturang kongreso ay pawang pag-aatake na ang mga unang salita.

Dahil dito, ang liderato ng Timuay Justice and Governance (TJG) ay mananawagan sa lahat ng Baglalan at seonomon na maging mahinahon sa lahat ng panahon. Ang mga isyu na kinakaharap natin sa ngayon ay dapat harapin sang-ayon sa konteksto nito.

Kaylan lamang ay buong-buo ang Teduray sa lahat ng isyu: sa seguridad, sa usaping fusaka inged at lupa, sa kultura at ang hindi gaanong pinapansin ng marami – ang sariling pamamahala o self-governance and empowerment na mas kilala sa tawag na Indigenous Political Structure (IPS). Sa konkreto, ito ay ang Kesefanangguwit Timuay o Timuay Justice and Governance (TJG). Wala ito siyang resources na hinahawakan o control ngunit ang kanyang pundasyon ay sa keadatan na sinubukang isinulat tulad ng nasa Tegudon, Ukit at Dowoy. Maaring ito ay kulang ngunit ayon sa kasabihan ng mga matatanda, ang tunay na keadatan ay hindi kailangang nakasulat kundi dapat ito ay isabuhay sa hirap at ginhawa.

Paano tayo ngayon nahati?

Lingid sa kaalaman ng mga IPS, noong January 2026 ay naipasa sa Bangsamoro Parliament ang amended BAA 35 to BAA 88. Dito nakasaad ang proseso sa pagpili sa NMIP Reserved Seats kung saan sundin pala ang customary process. Bakit hindi lang man tayo (mga IPS sa BARMM) inabesohan ng sa gayon ay may mahaba tayong talakayan tungkol dito? Pitong (7) buwan ang nasayang hanggat nagkagulo tayo nitong Agosto 2026. Masisi ba natin ang IPS dito?

Makita sa record ng Comelec BARMM na July 3, 2026 nagsimula ang TJG sa pagproseso sa napakahabang listahan ng gawain ayon sa kautusan mula sa Comelec Reso. No. 11235 of June 17, 2026. Kung pinabayaan ito ng TJG, default siya. Alam natin lahat iyan.

Mga dialogue na kinakailangan kahit sa higpit ng mga skedyul? May nagawa po tayo noong July 25, 2026 sa pamumuno ng isang non-political body and respected religious leader ng Teduray. Hindi iyon una, may mas nauna pa at mga small group meetings sa mga interest groups. Dahil mabilis ang panahon at walang nangyaring common understanding sa role ng Rights holders vis a vis the Duty bearers, heto ngayon nangyari na ang hindi pagkakaunawaan.

Sa huli, dahil may decision na ang Teduray Tribal Congress na maghain ng mga kaso sa COMELEC at KORTE ay hayaan nating gumulong ang hustisya. Nawa’y mahinto na ang mga posting sa social media dahil hindi ito makakatulong sa resolution ng problemang ito.

Maraming salamat.

MULA SA PAMUNUAN NG TIMUAY JUSTICE AND GOVERNANCE (TJG)

SOURCE 

--- 

 Part 2

 ๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‰๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐Ž๐๐Ž๐Œ๐Ž๐: ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ
๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
 
Mapagmahal na pagbati!
 
Sa unang pahayag, sinabi natin na pitong (7) buwan ang lumipas matapos ipasa ng Bangsamoro Parliament ang Amended BAA 35 to BAA 88 ngunit nanahimik ang lahat ng nakaalam sa batas at nitong August 18, 2026 biglang nagkaroon ng Kongreso para talakayin ito matapos ang anim (6) na asembliya ng mga tribo sa ilalim ng limang (5) Indigenous Political Structures (IPS) sa BARMM.
 
Sa pangkalahantan, mapayapa ang limang (5) asembliya: Higaonon, Erumenen ne Menuvu, Blaan, Menubo Dulangan at Lambangian. Tanging sa Teduray may planadong mass movement sa labas ng venue kung saan isinagawa ang pagtitipon alinsunod sa COMELEC SPP No. 26-005 (NMIP).
 
Pero, bago ang August 6, 2026 na asembliya ng Teduray ay may nakasalang na Appeal sa MIPA, Comelec at Office of the Chief Minister (OCM). Humingi ng comment ang MIPA mula sa TJG noong August 3, 2026 at naisumiti ang TJG comment noong August 5, 2026. Sa mga araw na ito ay may mga banta na ng mass mobilization laban sa Teduray assembly. Ang mga nasa likod ng mass mobilization ay alam ang batas na sino man ang hindi delegado ay dumadaan sa COMELEC for accreditation dahil sa pangkalahatan ay election related ang activity na ito dahil laman ito ng BAA 88 at COMELEC Reso. 11235. Ibig sabihin hindi ito isang open to all na asembliya dahil may mga alituntunin na sinusnod.
 
Ang usapin sa asembliya ay ang pagtalaga ng Representative sa Bangsamoro Parliament sa pamamagitan ng IPS at customary laws. Ang IPS ay may sariling decision making body sa mga mahahalagang usapin at naging practice na rin ito sa loob ng mahabang panahon na walang naitalang protesta. Noong 1995 at 2005 ay nagdecision ang TJG sa pamamagitan ng parehong proseso sa Unified Ancestral domain claim ng Teduray at Lambangian na ngayon ay malapit ng magkabunga sa pagsisikap ng MIPA Minister Hon. Guiamal B. Abdulrahman, ang ICM Hon. Abdulrauf Macacua, ang NCIP region 12 at National, ang MENRE, PAFID at mga LGUS sa perimeter areas ng claim.
 
At nitong bago lamang, October 1-4, 2024 TJG Timfada Limud sa Upi Municipal Gymnasium na may 803 delegates ang dumalo sa installation ng mga Baglalan sa Inged, mga Kasarigan sa Inged at Fagilidan. Wala po tayong na record na kaso ng pagprotesta o pagtuligsa sa mga proseso.
 
Ngunit noong August 6, 2026 na may mahigit na 200 na mga delegado na nagmula sa iba’t-ibang antas ng TJG decision making bodies ay sinalubong ng protesta sa parehong installation process – iyon nga lang, TJG installation sa Reserved Seats Nominees para sa Regional Inter-Tribal Convention (RITC). Hindi ito ginawa ng TJG sa kagustuhan lang ng mga Baglalan, kautusan ito mula sa BARMM (BOL at BAA 88) at Comelec Reso. 11235 ng 17 June 2026 na gamitin ang customary process.
 
Food for thought sa lahat ng Teduray:
 
Kung ihambing sa ๐’Œ๐’–๐’š๐’‚ (running competition) ang kalagayan natin nitong mga nakaraang buwan, wala pa ang go signal sa ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ (starting point) na ๐™กรซ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™จ๐™ช๐™  (tumakbo), may nauna ng tumakbo ngunit sa ibang ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ at direction o kaya dumaan sa ๐™™๐™–๐™ รซ๐™ก ๐™–๐™œ๐™ช๐™ฌ๐™ค๐™ฃ (highway). Kaya, sa oras ng official na ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ, di maiwasang may tumatakbo patungo sa ibang direction habang ang naka-position sa tunay na ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ ay tumatakbo patungo sa ๐™ง๐™ช๐™ข๐™›๐™–๐™ ๐™–๐™ฃ (finish line). Ito ang nangyari sa atin na mga Teduray ngayon kung saan takbo dito, takbo doon at hinihila ang tumatakbo sa tamang direction pabalik. Natural na magkaroon ng problema dahil may ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ na sa ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ. Isa ang tiyak, sinisira nito ang “๐™ง๐™ช๐™ก๐™š ๐™ค๐™› ๐™ฉ๐™๐™š ๐™œ๐™–๐™ข๐™š” wika nga. At malinaw na ๐Ž๐”๐“ of ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ na banggitin na kesyo CHRISTIANIZE, ISLAMIZE O TRADITIONAL. Sa huli, huwag nawa isali ang Ngalan ng Diyos/Allah/Tulus sa political na usapin.
 
Ilan lamang ito sa nakita na dahilan ng mga kalitohan natin ngayon.
 
Maraming salamat.
 
Hanggang sa muli, TJG Baglalan
----
 
Part 3
 

 ๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‰๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐Ž๐๐Ž๐Œ๐Ž๐: ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ‘
๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Mapagmahal na pagbati!

Kaunting paunawa kung bakit ang Tรซduray at Lambangian ay dapat may isang IPS:

Ang basehan ng Indigenous Political Structure (IPS) re: ๐พ๐‘’̈๐‘ ๐‘’̈๐‘“๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘”๐‘ข๐‘ค๐‘–๐‘ก ๐‘‡๐‘–๐‘š๐‘ข๐‘Ž๐‘ฆ o Timuay Justice and Governance (TJG) ng Tรซduray at Lambangian ay may ingรซd (teritoryo), pamayanan, kutlura, tradisyon, pananalita, sistemang pamamahala, hustisya at pananampalataya. Kung ang isa o dalawang gropong etniko ay may magkaparehong practices at magkarugtong (contiguous) na teritoryo isa lamang ang IPS nito.

๐๐š๐ฅ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐š๐ : Dahil magkapareho ang kanilang kรซadatan, isang basehan ito ng kanilang pagkakaisa. Ang kanilang paniwala sa pagbuo ng isang lipunan ay hindi magkasalungat sa isa’t-isa at lalong hindi hiwalay sa kanilang kinagisnang mga patakaran sa buhay na iniluwal sa kasaysayan ng mga ninuno. Ano mang sukdulang pagbago rito tungo sa mainstream politics ay assimilation.

๐‘ด๐’‚๐’‚๐’“๐’Š ๐’ƒ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’–๐’Ž๐’‚๐’˜๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’Š๐’ƒ๐’‚’๐’•-๐’Š๐’ƒ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐‘ท๐‘บ ๐’”๐’‚ ๐’Š๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’†๐’‚๐’…๐’‚๐’•๐’‚๐’? ๐‘ฏ๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’‘๐’–๐’˜๐’†๐’…๐’† ๐’‚๐’• ๐’ƒ๐’‚๐’Œ๐’Š๐’•? Ang malalim na dahilan ay hindi natin ito gawa-gawa lamang sa ngayong panahon. Ang IPS ay binuo ng kasaysayan sa loob ng mahabang panahon na hindi na abot ng ating ala-ala. Hinubog ito ng napakaraming wisdom holder’s sa tribo na nagbuwis ng buhay at naglaan ng talino at karunungan sa pakikipagsalamuha sa kapuwa-tao, kalikasan at isperitual. Dahil dito, isa siyang fusaka at mรซkรซtรซfu (Sagrado) sa buhay ng mga tribong practitioner sa kรซadatan na dapat ipamana sa mga susunod na salinlahi. Hindi ito isang political party machinery o Peoples Organization (PO) na may Constitution and By Laws at membership na maaring baguhin ano mang oras gustohin ng mga namumuno.

Ganon pa man, ang sino mang magtangka na gumawa ng ibang IPS sa isang teritoryo at customary law mula sa loob ng tribo ay hindi pinipigilan. Ngunit bawal ang copy and paste na customary law lalo na ngayong may mga bahagi na nitong nakasulat at kinilala na ng NCIP at MIPA sa ilalim ng Kรซsรซfanangguwit Timuay o TJG. Higit sa lahat, mahirap sagutin sa ating mga yumaong ninuno na ang fusaka na kรซsรซfanangguwit ay mawasak sa kapanahunan na marami na ang nakapag-aral at pulitiko sa atin. Saksi ang mga sagradong lugar sa ating mga ginagawa at pagkilos sa kasalukuyan.

Sa mga Fรซnuwo at Rรซmfing Fรซnuwo sa buong ingรซd Tรซduray at Lambangian, kayo ang saksi sa inyong pagsisikap na ipatupad ang Tรซgudon, Ukit at Dowoy na hindi nakatali sa pera/pondo o position sa gobyerno. Ito ay pagsabuhay sa kรซadatan nang walang kondisyon dahil ito ay sariling atin.

Sa kabila nito, kilalanin nating tayo ay nasa ilalim ng pamahalaan o gobyerno ng Pilipinas. Mula sa antas ng barangay, munisipyo, probinsya, region hanggang Pambansa sila ang ating mga pinuno. Ibig sabihin, hindi natin sila kaagaw sa mga position sa pamahalaan dahil mayroon tayong internal na pamamahala na kinikilala na ng gobyerno habang hindi din tayo pinipigilan ng gobyerno na lumahok sa pambansang pamamahala kung gusto natin. Ito ay Karapatan natin bilang mga Pilipino din – kaya mayroon tayong mga konsehal, mayor atbp. Sa lente ng Human Rights, sila ang mga ๐ƒ๐ฎ๐ญ๐ฒ ๐๐ž๐š๐ซ๐ž๐ซ๐ฌ at tayo ay mga ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐‡๐จ๐ฅ๐๐ž๐ซ๐ฌ. Ito ang kaibahan natin sa mayoryang Pilipino dahil hawak pa natin ang sinaunang sistema ng pamamahala sa loob ng ating mga lupaing ninuno na kinilala ng pamahalaan sa 1987 Constitution at IPRA noong 1997 sa Pambansa habang BOL at BIPA sa BARMM.

Ito ang nagtakda na gamitin ng mga IPS sa BARMM ang kanilang sinaunang sistema ng pamamahala sa pagproseso sa pagpili ng 2-NMIP Reserved Seats. Ang COMELEC Reso. No. 11235 ang gabay ng mga IPS sa mga prosesong ito. Kinilala ang IPS bilang isang institution na may sariling estruktura ng decision-making bodies na hindi maaring diktahan nino man sa pagpatupad sa kanyang tungkulin. Ginagawa ito ng IPS sa tulong ng NMIPC at ginagabayan ng MIPA at COMELEC na may mandato sa gawaing ito habang ang mga tunggalian kung mayron man ay dapat sa grievance body tatalakayin.

Maraming salamat.

Hanggang sa muli, TJG Baglalan
---
 
Part 4
 
๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‰๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐Ž๐๐Ž๐Œ๐Ž๐: ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ’
28 ๐ด๐‘”๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘œ 2026

Mapagmahal na pagbati!

Paumanhin at ngayon lang natin naipagpatuloy ang ating serye ng mga “Paunawa” na may relasyon sa usaping Reserved Seats sa BARMM. Kung inyong matatandaan, ang mainit na isyu ay ang papel/role ng IPS sa proseso ng pagpili sa 2-NMIP Representatives sa Bangsamoro Parliament ng BARMM.

Bagamat napakalawak na ang inabot ng mga balita ukol sa resulta ng 25 August 2026 na Regional Inter-Tribal Convention (RITC), mahalaga pa ring ma-update ang ating mga Baglalan at seonomon tungkol dito lalo na at lumalabas na isang Teduray at isang Lambangian ang NMIP Representatives sa first regular Bangsamoro Parliament ng BARMM.

Matatandaan na ang unang level na ating dinaanan ay ang Lambangian Baglalan Assembly (LBA) noong August 5, 2026 at ang Teduray Baglalan Assembly (TBA) noong August 6, 2026 na nagresulta sa pagpili ng mga Lambangian delegates kay Timuay Labi Leticio L. Datuwata para sa lalaki at Minted sa Inged Tessie Ambol para sa babae na nominee. Sa Teduray naman ay nagresulta sa pagpili kay Kasarigan Ludivico Marcelino sa lalaki at kay Minted sa Inged Jo Genna M. Jover sa babaeng nominee ng Teduray. Ang mga installation process ay sa pamamagitan ng customary practices ayon sa binigay na mandato ng COMELEC sa mga IPS ng NMIPs sa BARMM.

Sa mga Teduray, hindi maitago ang katotohanan na ito ay sinalubong ng mga protestang legal at extra-legal kasama na ang “Teduray Tribal Congress” noong August 18, 2026 na ayon sa organizer ay dinaluhan ng libo-libong tao mula sa LGU at government officials, mga religious groups at ilang civilian. Ang mga official na apela ay binigyan din ng nararapat na katugunan sa liderato ng TJG kahit na walang official na deklarasyon ang COMELEC kung kaninong jurisdiction ito – ๐œ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ๐ฆ๐š๐ซ๐ฒ ba o ๐ฅ๐ž๐ ๐š๐ฅ?

Sa madaling sabi, ang iba’t-ibang porma ng protesta na ginawa laban sa IPS ay bahagi ng demokratikong karapatan ng Teduray at Lambangian bilang mga Pilipino bagamat hindi natin masabi na ito ay customary process. Ang masaklap, ang nangunguna sa mga protestang ito ay kabilang sa mga may-akda sa batas (BAA 35 as amended by BAA 88) para kilalanin ang karapatan ng mga NMIPs na gamitin ang kanilang customary laws sa mga proseso ng pagpili ng NMIP Representatives sa pamamagitan ng kanilang mga IPS. Sa huli, wala namang inilabas ang COMELEC na may nangyaring iregularidad sa lahat ng nagdaang mga asembliya kaya walang hadlang na itinuloy ang Regional Inter-Tribal Convention para sa anim na tribo sa loob ng limang IPS.

๐€๐ง๐  ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ-๐“๐ซ๐ข๐›๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐ง๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐‘๐ˆ๐“๐‚):
Ang talakayan sa RITC ay katulad din naman ng ginawa sa mga asembliya: determinasyon ng quorum batay sa bilang ng target delegates; talakayan at pagtanggap sa ground rules at mekanismo sa pagpili bago ipinepresenta ang mga Nominees mula sa limang tribo na pawang nagmula sa liderato ng kanilang mga IPS na may direktang karanasan at kaalaman sa customary governance. Pagkatapos ay tinalakay ang tungkol sa Rotational Arrangement kung papayag ba ang anim na tribo o hindi at pagkatapos ng mahigit na isang oras na talakayan ay pumayag din ang lahat ng anim na tribo at mabilis na napag-isahan na dapat mauna ang dalawang tribo sa ilalim ng TJG sapagkat sila ang mayorya at may malawak na teritoryo sa loob ng BARMM. May nagmungkahi pa na kung maari sa rotation ay manatili ang tribong Teduray sa lahat ng pagkakataon ngunit ang delegado ng mga Teduray ay salungat sa mungkahi nang sa gayon ay mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng NMIP na makapa-upo ng representante sa Bangsamoro Parliament sapagkat ang Reserved Seat ay para naman sa lahat ng NMIP gaano man kaliit ang kanilang bilang. Naniniwala naman ang inter-IPS na kahit sino ang uupo na representante ay agenda din ng mga IPS at ng MIPA ang pangunahin nilang gampanan bago ang iba.

Bilang panghuli, sa mga hindi pa nakaunawa sa prosesong ito, malaya naman kayong magpadala ng inyong apela sa COMELEC sapagkat may nakahanda namang mekanismo sa pagresolba sa ano mang problema at kung kaninong jurisdiction – customary o legal lalo’t higit na laging may representante ang COMELEC sa mga asembliya hanggang sa RITC kung saan si COMELEC Chairman Atty. George Erwin Garcia at Atty. Ray Sumalipao ng COMELEC-BARMM ang dumalo sa RITC noong August 25, 2026 sa Cotabato City. Tuwang-tuwa naman sila sa mga na-witness na kaganapan sa customary process na walang nangyaring hidwaan at propaganda laban sa isa’t-isa kundi lahat idinaan sa isang tunay na mapayapa at masinsinang paguusap gamit ang lengguwahe ng pagkakaisa. Tanda ito ng pag-unlad sa partisipasyon ng NMIPs sa politika na kaiba sa practice ng mayorya.

Maraming salamat.

Hanggang sa muli, TJG Baglalan

Comments